• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Polo Ravales reveals trivia about his first time working with Coco Martin

EXCLUSIVE: Polo Ravales reveals trivia about his first time working with Coco Martin

Polo Ravales says Coco Martin deserves his success for remaining humble.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/12/2016 9:55 AM
EXCLUSIVE: Polo Ravales reveals trivia about his first time working with Coco Martin


011216-polococo_main.jpgTapos na ang guesting ni Polo Ravales sa Ang Probinsyano, pero masaya niyang naikuwento sa amin ang karanasan niya working with Coco Martin na bida sa primetime series ng ABS-CBN.

“Hopefully, ma-appreciate ng executives ng ABS-CBN yung naging performance ko para mabigyan pa nila ako ng trabaho. Freelance naman na ko, eh, kung saan merong magandang trabaho do’n ako.

“Masaya ako na naging guest ako sa Ang Probinsyano kasi madaming nakapansin. Nagulat nga ako, eh, two weeks lang yata akong lumabas sa Ang Probinsyano, pero maraming nakapansin. Sa Facebook ko, ang daming nagpi-PM sa akin na di ko naman kilala,” kuwento ni Polo sa Push.com.ph.

Minsan na palang nakatrabho ni Polo si Coco sa isang TV episode ng morning series na Maynila. Bida noon si Polo at si Coco raw ang naging sidekick niya.

‘Nagkasama kami noon sa Maynila, tapos siya pa yung nagpaalala sa akin na naging sidekick ko siya. Matagal na yon, sobrang tagal na non. Siguro, mga 12 years ago?

“Sabi niya, ‘Bro, natatandaan mo, naging sidekick mo pa ako?’ Sabi ko, ‘Pare sorry, pero ako hindi ko na natatandaan.’

“Para sabihin pa niya yon sa akin, sa status ng career niya ngayon, di ba napaka-humble niya? Wala siyang kayabang-yabang kahit sikat na sikat siya ngayon.

“Nagulat talaga ako na siya pa yung nagpaalala at sabi ko nga sa kanya, ‘Bro, I’m happy for you, you deserve kung nasaan ka man ngayon.’ And I think, ganu’n naman yata talaga ang buhay either outside showbiz or inside showbiz, pana-panahon yan, eh.

“Kaya dapat, kahit na anong status ka, kailangang parati kang humble. Kailangang parati kang mabait sa lahat ng tao,” kuwento pa ni Polo.

Samantala, wala pa ring love life hanggang ngayon si Polo pagkatapos niyang hiwalayan ang non-showbiz girl na matagal din niyang nakarelasyon.

“Pahinga muna. Ganu’n siguro talaga yon, kapag may lovelife ka, waley ang career kaya huwag na muna. Gagawin ko munang girlfriend ang career ko. Ha-haha!” natatawa niyang pahayag.