• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto clarifies no final date yet on his wedding with Pauleen Luna

Vic Sotto clarifies no final date yet on his wedding with Pauleen Luna

Vic Sotto gives an update on his engagement with Pauleen Luna.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/10/2015 6:39 AM
Vic Sotto clarifies no final date yet on his wedding with Pauleen Luna


090915-vic_main.jpgSa social media conference na ipinatawag para sa MMFF movie na “My Pabebe Love” kung saan magsasama sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, game na game sumagot si Bossing Vic ng update tungkol sa kanilang engagement ni Pauleen Luna.

Una ng nilinaw ni Vic na wala pa silang final date na napipili ni Pauleen para magpakasal.

"Wala pa eh no details yet kwento kwentuhan pa lang. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga balita mga haka-haka lang yan may nagsasabi end of the year daw," paliwanag niya. 

Kung sila daw ni Pauleen ang masusunod, mas ok sa kanila ang intimate o pribadong seremonyas ng kasalan. Pero dahil pareho silang artista, naintindihan daw nila kung madagdagan ang kanilang guest list.

"Kasi naman kami ni Pauleen we’re not into that mga engrandeng celebration talagang sakto lang mga kaibigan, family, kayo, kasama kayo sa mga kaibigan," pahayag pa ng komedyante. 

Nasa Amerika ngayon si Pauleen para dumalo ng wedding ng isang kaibigan. Dito nilinaw din ni Vic ang isa pang issue.

"Ay hindi naman, she attended the wedding of her friend wala pa naman kami napapag usapan na ganun details. For me I’m so excited pero hindi ko pa talaga iniisip sa ngayon," sabi pa niya. 

Masaya si Vic sa kanyang personal na buhay ngayon at lagi niyang sinasabi, dadating ang lahat sa tamang panahon.