Sexy actress, nabuking ang “lihim” ni mister

BY MISS LYKA

FRESH SCOOPS

9/10/2015 6:34 AM
Sexy actress, nabuking ang “lihim” ni mister


091015-BLIND_main.jpgKawawa naman ang sexy actress na ito. Nagpakasal siya sa dating masugid na manliligaw na hindi nalalaman ang itinatagong “lihim” ng pagkatao nito.

Kelan lang na-discover ng sexy actress na meron palang anak sa labas ang kanyang pinakasalan.  Kaya naman daw niyang tanggapin ang tungkol dito kaya lang, sana raw ay sinabi ito sa kanya ng asawa nu’ng panahong nililigawan pa lang siya nito.

Sabi pa raw nito sa isang malapit na kaibigan, “Kaya ko namang tanggapin kung meron siyang anak sa una niyang karelasyon, pero hindi yung kung kelan kasal na kami at ilang taon na ring nagsasama ay saka ko lang ito matutuklasan? Unfair!”

Ang natuklasan ng aktres sa mister ay muntik pang maging dahilan ng kanilang hiwalayan. Nawala raw kasi ang trust ng sexy actress sa  kanyang mister.

Clue pa ba? Baka hindi nyo rin mahulaan, eh. Ha-ha-ha!  Ang sexy actress na ito ay kababalik  lang sa management agency ng sikat na TV network. May letter “J” at “M” sa kanyang pangalan.