• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda says KC Concepcion’s reconnection with her exes is a good thing.

KC Concepcion reconnects with Paulo Avelino in London

Boy Abunda says KC Concepcion’s reconnection with her exes is a good thing.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/09/2015 08:31 AM
KC Concepcion reconnects with Paulo Avelino in London
090915-aatkcpaolo_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, kasabay ng maugong na pagkakasundo muli ng ex-lovers na sina Piolo Pascual and KC Concepcion, “nagreconnect” din diumano si KC at ang isa pa niyang ex na si Paulo Avelino sa London, kung saan ginanap ang ASAP20 live show. 

Makikita diumano sa Instagram post ni Dawn Zulueta na magkatabi si KC at Paulo sa bus. Ayon rin sa sources ng show, nagkasama rin sa isang picture si KC at Piolo sa ASAP20 Live in London post party. 

Dahil dito, sinabi ng host na si Boy Abunda ang mga rason kung bakit naniniwala siya sa pagpapatawad at pakikipagkasundo. Una, “God is good. Time heals, just wait for the right time.” Pangalawa, “ang pakikipagbati at forgiving is good for the health and soul.” Pangatlo, “forgiving is good for the world, for world peace.”