• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion and Piolo Pascual were already seen talking backstage of ASAP months ago.

KC Concepcion and Piolo Pascual on good terms even before ASAP20 show in London

KC Concepcion and Piolo Pascual were already seen talking backstage of ASAP months ago.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/09/2015 08:30 AM
KC Concepcion and Piolo Pascual on good terms even before ASAP20 show in London
090915-aatkcpiolo_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nilinaw ng host na si Boy Abunda na nagsimula ang pagiging “on good terms” ng ex-couple na sina KC Concepcion at Piolo Pascual several months ago pa. Ayon sa kanilang sources, nagkita ang dalawa sa backstage at closing ng ASAP 20, kung saan nagbeso sila at nag-usap.

Hindi rin diumano magkasama si KC at Piolo matapos ang ASAP20 show sa London dahil si KC ay tumulak papuntang Paris at si Piolo naman ay may balak pumunta ng Spain.

Bago ang ulat, naging maugong ang recent post ni KC sa kanyang Twitter account ng picture kung saan kasama niya ang kanyang ex-boyfriend na si Piolo.

Nagkita si KC at Piolo sa post party ng ASAP 20 Live in London at doon kuha ang picture. Matapos mag-usap sandali, nakisaya rin ang dalawa sa ibang tao sa event.

Maging ang close friend ng dalawa na si Erik Santos ay nagpost rin ng picture kasama ang dalawa.


Maging sa poll ng Push.com.ph, nangunguna ang Piolo-KC sa dating magkarelasyon na gusto ng tao magkabalikan.