• Home
  • Fresh Scoops
  • Yen Santos admits she still can’t watch her daring scenes in ‘All of Me.’

EXCLUSIVE: Yen Santos is ready to do more daring scenes after ‘All Of Me’

Yen Santos admits she still can’t watch her daring scenes in ‘All of Me.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/10/2015 06:34 AM
EXCLUSIVE: Yen Santos is ready to do more daring scenes after ‘All Of Me’
090915-yen_main.jpgKakaibang Yen Santos ang napanood ng televiewers sa unang linggo ng afternoon series na All Of Me na pinagbibidahan ni JM De Guzman. Napasabak sa daring scene si Yen with Albert Martinez at ayon sa kanya, first time niya lang itong ginawa.

“Twenty-two na rin naman ako, at saka unang-una, nagustuhan ko rin talaga yung story at sa umpisa pa lang naman Tito Leo, sinabi na sa akin na may mga ganu’n eksena,” simula niyang pahayag sa Push.com.ph.

Inamin ni Yen na nakaramdam din siya ng takot sa mga eksena niya with Albert. “Na-intimidate ako kasi siyempre, Albert Martinez yon. Pero mas inisip ko kung paano ko siya sasabayan sa pag-arte more than mahiya ako sa mga eksena namin,” paliwanag pa niya.

“Ayaw ko po talagang panoorin nung una yung ginawa kong mga eksena kasi first time ko po siyang ginawa, lalo na yung mag-two-piece. Sana okey... Nagpapayat din po ako pero kulang sa time.

Simula na ba ito ng pagpapaka-daring niya sa mga susunod na projects?

“Naku, hindi ko pa alam. Kasi hindi pa naman talaga ganu’n ka-ready yung katawan ko,” medyo nahihiya niyang pahayag

“Kumbaga, more diet pa and workout para ma-achieve yung shape na gusto ko, pero I’m ready naman to do that basta kailangan talaga sa story.

“Sa All of Me po kasi, hindi ko pa alam yung tatakbuhin ng istorya namin, eh. Puwedeng meron pa akong gawing daring scene, puwede ring bumalik ako sa pagka-manang,” patuloy pa niya.

Wala rin daw magiging problema if ever gusto ng ABS-CBN na mapunta siya sa ganu’ng linya.

“Pagdating naman sa paggawa ng iba pang daring scenes, depende po yon sa management, kung ano yung gusto nilang ipagawa sa akin. Kung kailangan talagang gawin at kailangan din sa istorya, bakit hindi?

“Kailangan ko rin talagang paghandaan, kailangan ko ring tulungan ang sarili ko na maging physically fit. Kailangang mag-gym, i-watch ang diet, gusto ko rin talagangma-achieve yang sexy body na yan,” pahayag pa ng aktres.