• Home
  • Fresh Scoops
  • Atty. Joji Alonso says they have had no problems working with JM de Guzman.

Atty. Joji Alonso defends JM de Guzman on rumored attitude issues

Atty. Joji Alonso says they have had no problems working with JM de Guzman.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/10/2015 06:36 AM
Atty. Joji Alonso defends JM de Guzman on rumored attitude issues
090915-jmjoji_main.jpgLaman ng mga blind item nitong mga nagdaang araw ang All Of Me lead actor na si JM de Guzman. Binalikan daw nito ang dating bisyo at nagiging problema na sa set ng afternoon series.

Wala mang direktang sagot tungkol dito si JM, may naging pahayag naman tungkol dito si Atty. Joji Alonso, producer ng Quantum Films, na kumuha kay JM para maging leading man ni Jennylyn Mercado sa pelikulang Walang Forever.

Ang Walang Forever ay entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival sa December 2015.

Pinabulaanan din ng lady producer ang tsismis na nagiging cause of delay at nagbibigay ng problema sa syuting ng Walang Forever si JM. Hindi rin daw totoo ang balita na hindi na matutuloy ang pelikula dahi kay JM.

“Naku, tuluy na tuloy kami,” pahayag agad ni Atty. Joji.

“I also hear those stories. Ewan ko sa kanila pero sa amin, okey si JM!” paniniguro pa ng lady producer.

Idinagdag din ng lawyer-producer na, “JM has been so excited about the project like no other. ’Yung draft nga ng teaser, pinapakita niya sa lahat.”

Marami na rin palang nagawang pelikula si JM sa Quantum Films at walang natatandaan ang lady producer na nagkaroon sila ng problema sa actor.

“Pang-fourth film na namin ito na magkasama. We started with [Ang Babae sa] Septic [Tank] (with Eugene Domingo), The Strangers then Tandem which is making waves abroad and now Walang Forever naman. Excited much!” sambit pa niya.

“Sa Tandem, okey na okey din siya. No complaints. Napaka-professional niya all the way.”

Samantala, bukod sa Walang Forever ng Quantum Films, non-stop din ang shooting ng isa pa nitong entry na Buy Now, Die Later na pinagbibidahan naman nina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Billy Crawford, Rayver Cruz, John Lapus at mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez.

“Tapos nang ma-shoot yung individual scenes nina Alex, Rayver at Sweet. On going naman ngayon ang shoot nina Vhong at Lotlot,” balita pa niya.

“Ang medyo hirap lang talaga, eh, ’yung magkakasama sila lahat because of their schedules. Inuna namin ang finale kasi madaming special effects na madugo.

“’Kakatuwa ang movie. Galing nilang lahat!” pagmamalaki pa ni Atty. Joji.