• Home
  • Fresh Scoops
  • Ketchup Eusebio is excited about the changes in store for ’Ningning.’

Ketchup Eusebio reveals major changes in ‘Ningning’

Ketchup Eusebio is excited about the changes in store for ’Ningning.’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/09/2015 06:13 AM
Ketchup Eusebio reveals major changes in ‘Ningning’
090815-ketchup_main.jpgMaganda ang 2015 para sa career ng aktor na si Ketchup Eusebio. Latest project nya ang historical film na Heneral Luna na pinagbibidahan ni John Arcilla na nagkaroon ng red carpet premiere sa Mega Mall Cinemas noong Linggo.
Ipinagmalaki ni Ketchup na magalaga ang kanyang papel sa pelikula.

"Character ko dito ako po yung napag-utusan na pumatay kay Heneral Luna. Abangan po nila ang eksenang yun sa pelikula. Sobrang masarap sa pakiramdam na napasama ako sa ganito klase ng pelikula sa mga panahon na ganito tsamba sa mga kagaya namin na artista na mapasama sa historical movies na ganito. I think kung ‘di po ako nagkakamali baka isa na ito sa pinaka-magandang historical film."

Regular din napapanood sa TV ngayon si Ketchup bilang tatay ng lead child star na si Jana Agoncillo sa Ningning. Mataas ang kanilang ratings at mas inspirado daw sila sa kanilang trabaho.

"Walang kapalit na pasasalamat at walang kapantay na saya ang naidudulot ng pagtangkilik nila sa aming show. Abangan nila dahil may mga unexpected twist na magaganap nitong paparating na week."

Nagbigay patikim si Ketchup na may malaking pagbabago na magaganap sa Ningning na dapat nilang abangan.

"Ituloy lang natin ang suporta dahil marami kaming bago na ibibigay. Basta po abangan nila baka po may magkulang. Basta abangan nila na malaking parte ang mawawala sa story namin.”