• Home
  • Fresh Scoops
  • Sexy teenstar, “nakaenkwentro” ang mayabang na young actor!

Sexy teenstar, “nakaenkwentro” ang mayabang na young actor!

BY MISS LYKA

FRESH SCOOPS

9/8/2015 6:12 AM
Sexy teenstar, “nakaenkwentro” ang mayabang na young actor!


090915-blinditem.jpgMalapit na naman ang Star Magic Ball na taunang gathering ng Star Magic artists at mga  artista at showbiz personalities. Kung anu-anong isyu na ang pumutok dito involved ang mga sikat at hindi gaanong sikat na showbiz personalities.

Ang iba, hindi napapansin dahil hindi nga big stars ang involved. Tulad na lang ng nangyari tungkol sa sexy teenstar na “nakaengkuwentro” pala noon ang isang mayabang na young actor.

Naikuwento ng dalaga na naepalan siya sa pagiging pakialamero ng noon ay medyo lasing ng young actor. Feeling sikat din daw ito. Nagkatalakan pa nga raw sila, pero mabuti na lang daw at hindi nauwi sa batuhan ng baso ang lahat.

Hanggang ngayon, nagdededmahan pa rin ang dalawa kapag nagkikita sila. May pangalan na ang young actor dahil meron siyang regular show. Ang sexy young star naman ay member ng isang grupo na binuo ng Star Magic.

Teka, ano kaya ang magiging eskena kapag nagkita ulit ang dalawang ito sa Star Magic Ball ngayong September? Magdedmahan kaya ulit sila?