• Home
  • Fresh Scoops
  • Mark Bautista and Joanna Ampil topbill South Pacific in Concert

Mark Bautista and Joanna Ampil topbill South Pacific in Concert

Mark and Joanna share their favorite songs from the musical.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/7/2015 2:27 AM
Mark Bautista and Joanna Ampil topbill South Pacific in Concert



090715-mark1.jpgSina Mark Bautista at stage actress Joanna Ampil ang front liners sa South Pacific in Concert production ng Resorts World Manila and Ultimate Entertainment. Kakaiba ang production na ito ng classic stage musical na binuo ni Rodgers and Hammerstein dahil ipe-perform sa isang concert in full orchestra ang mga kanta mula musical.

Kasama rin ang nagbabalik na si Ima Castro bilang Bloody Mary at John Meet Vera Perez bilang Emile de Bocque.
Ayon kay Menchu Lauchengco Yulo na director ng South Pacific in Concert mas pinili nila ang out of the box na format para i-present sa present generation ang South Pacific na hindi na gagamit ng sets at costumes kundi mag-focus sa ganda ng music na nakapaloob sa story ng play na based sa Pulitzer Prize winning novel na Tales Of The South Pacific ni James Michener.

Para kay Mark, favorite song niya sa musical ang "Some Enchanted Evening."

"Marami nga po ang nagugulat na mula pala sa musical na ito ang kantang Some Enchanted Evening and masaya ako na kasali ako sa production na ito and nagka usap na kami ni Direk Menchu na i-guide nya ako lalo na sa songs dahil kailangan ko talaga aralin," sabi ng singer na nalilinya ngayon sa musicals. 

Para naman sa international stage actress na si Joanna Ampil, napanood na niya noon ang West End production ng South Pacific at di nya akalain na gagawin nya rin pala ito sa kanyang career.

"I heard the CD again I was given the album and I fell in love with the musical again. I saw this in London years ago where Sheila Francisco was playing Bloody Mary. I loved it then but I never really studied it because I never knew that there is something there for me and I didn't know that I will be playing Nellie Forbush. I fell in love with Some Enchanted Evening and the entire pieces are beautiful and as a whole I loved it," paliwanag ni Joanna. 

Mapapanood ang "South Pacific in Concert" sa September 12 at 19 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World.