• Home
  • Fresh Scoops
  • Denise Laurel says she and her boyfriend are in no rush to get married.

EXCLUSIVE: Denise Laurel talks about her dream wedding.

Denise Laurel says she and her boyfriend are in no rush to get married.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/06/2015 09:22 AM
EXCLUSIVE: Denise Laurel talks about her dream wedding.
090615-denise.jpgMagdadalawang taon nang engaged ang Your Face Sounds Familiar contestant na si Denise Laurel sa boyfriend niyang basketball player ng Ginebra na si Solomon Mercado na isang Filipino-American-Puerto Rican. Bago sila na-engage, matagal daw muna silang naging magkaibigan.

Ayon mismo kay Denise, “Before we got engaged, we were together for a while and before we got together barkada na kami.”

Sa tingin ba niya, ang boyfriend niya na talaga ang “the one” na itinadhana para sa kanya?

“Yeah, I know he’s the one na talaga, kaya hindi kami nagmamadali, chill lang kami which I love. Kasi he wants me to do everything that... you know. Para pagtanda namin, we have no regrets kumbaga.

Kahit siya, gusto munang ma-achieve niya lahat nang gusto niyang ma-achieve, go wherever you want to go,” katwiran niya.

Natatawa ring naikuwento ni Denise na iba raw ang tawag niya noon sa kanyang boyfriend.

Kuya talaga ang tawag ko sa kanya noon, but now, ‘baby’ na.. I didn’t know na parati pala niyang sinasabi sa mga kaibigan niya na dream girl daw niya ako.

Tapos dati, sa akin siya nagsasabi ng mga problema niya. Ako rin ang nagbibigay ng advice sa kanya tungkol sa mga girls niya. Nakakatawa lang, kasi I never knew na we will end up together,” sey pa niya.

Tanggap din daw ng boyfriend niya na meron na siyang naging anak sa dating karelasyon.

Sabi pa niya, I don’t care if she’s a mom. I’ll take care of her,” comment daw ng BF niya sa ilang mga kaibigan.
090615-denise.jpgNatutuwa din si Denise na magkasundo ang anak niyang si Alejandro at ang boyfriend. Nakita rin niya na parang tunay na anak na rin ang turing nito sa bata. “Daddy nga ang tawag niya, eh,” sabi ulit ni Denise.

September 30, 2013 ang exact date ng engagement nina Denise at Solomon. Birthday daw niya ito mismo. Pagkatapos daw ng Your Face Sounds Familiar, pag-uusapan na rin nila ang detalye ng kasal.

Ano ba ang ideal wedding niya

“Kung mayaman lang ako, kung nakaipon kami nang bonggang-bongga, gusto ko sana is vacation wedding. Or kung dito, gusto ko yung sobrang big. Kasi alangan namang hindi ko imbitahan yung mga kakilala ko bukod sa pamilya ko. Eh siya, siyempre buong PBA iimbitahan niya.

“Pero dahil wala pa kami sa ganu’ng level, baka small wedding na lang. Pero yung dress ko dapat pak! Don na lang ako babawi. Yung tipong kahit 100 years na ang ganda pa rin ng gown,” pahayag pa ni Denise.