EXCLUSIVE: Baron Geisler changes his image for ‘Nathaniel’

Baron Geisler wants to focus on work instead of issues.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/06/2015 08:34 AM
EXCLUSIVE: Baron Geisler changes his image for ‘Nathaniel’
090615-baron.jpgKakaibang Baron Geisler ang nakausap ng Push.com.ph bago siya umakyat sa 12th floor ng ABS-CBN para sa isang mahalagang miting. Mula sa malayo, hindi namin agad siya nakilala. Ang linis na kasing tingnan ng actor at wala na ring bigote.
 
“Hirap nga akong tanggalin yung bigote at balbas ko. For almost seven years, nandiyan lang yan, hindi ko inaahit. Pero nu’ng kausapin ako ng Dreamscape na mag-shave na ako for my role as Gustavo (Tagasundo) sa Nathaniel, pumayag agad ako,” kuwento ni Baron.

“Bagay ba sa akin ang walang bigote? Anong itsura ko?” balik-tanong sa amin ni Baron na siyempre, sinagot naman namin ng oo, bagay na bagay.

Ayon pa kay Baron, nakatutok lang daw siya ngayon sa trabaho at hindi na nag-i-entertain ng negative thoughts. Kinalimutan na rin daw niya ang nangyaring insidente noon sa isang bar sa Angeles, Pampanga.

“Tapos naman na lahat ng yon. All I want to do now is to work. I love my job, I love acting at ito ang gusto kong gawin. Malungkot ako pag wala akong ginagawa,” sey pa niya.

Baron also shared na kakaibang experience ang naramdaman niya nang mapasama sa cast ng Nathaniel.

“Ang gaan-gaan nilang katrabaho... lahat sila. Tapos si Marco (Masa), si Nathaniel, ibang klase siya. Ang galing nu’ng bata. Para talaga siyang anghel,” pagde-describe pa ni Baron.

Sa tingin ba niya nakadagdag ang mensahe ng teleserye niyang ginagawa para mas maging okey ang outlook niya sa buhay ngayon?

As Gustavo, alam naman ng tao na masama yung karakter na pino-portray ko sa Nathaniel, pero after each taping, pag-uwi ko ng bahay, hindi na ako si Gustavo. Inaamin ko, I enjoyed my role and as an actor, dapat ibigay ko yung best ko, pero hanggang do’n lang yon.

“Sa totoong buhay, iba naman ako. Hindi naman ako masama. Ha-ha-ha!” katwiran pa niya.

Bukod sa Nathaniel, malapit na ring matapos ni Baron ang isang indie film under the direction of Brillante Mendoza na pinagbibidahan naman ni Mark Anthony Fernandez.

“Bawal pa atang sabihin yung title, eh. Pero halos tapos na kami,” kuwento ng actor.

Hindi naman sinagot ni Baron ang tanong naming kung totoong pang-Cannes International Film Festival ang ginawa niyang indie film.

Kinumusta na rin namin ang relasyon niya ng kapatid na si Donald Geisler na nasubok kamakailan lang.

“Okey na kami ni Kuya Donie, ako na yung lumapit sa kanya at nakipag-usap. Naintindihan naman niya ako, we talk and we’re okey,” masaya niyang pahayag.