• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Matsunaga is number one on the list of Cosmo bachelors this year.

Daniel Matsunaga and JC De Vera sizzle at the Cosmo Carnival 2015

Daniel Matsunaga is number one on the list of Cosmo bachelors this year.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/06/2015 11:01 PM
Daniel Matsunaga and JC De Vera sizzle at the Cosmo Carnival 2015
090715-danjc_main.jpgMainit na sigawan at kilig ang isinalubong ng audience sa pagrampa ng 69 bachelors ng Cosmo Carnival 2015. Ito ang annual event ng Cosmopolitan Philippines kung saan ang rumarampa ng sexy ang male personalities na pasok sa kanilang listahan.

Most applauded ang pagpasok ni Daniel Matsunaga na siyang celebrity cover at numero uno sa list ngayong 2015. Para kay Daniel annual tradition na ang event na ito para sa kanya.

"I think I’ve been participating for like 5 or 6 years na ngayon and I’m happy to be part of this every year," Daniel explained. 

Hindi nakarating ang kanyang girlfriend na si Erich Gonzales dahil may trabaho daw ito pero inimbitahan niya naman ito to watch. 

Naitanong natin kay Daniel na dahil siya na ang nasa top spot ngayong taon ay kung sasali pa ba siya muli sa mga susunod na Cosmo events.

"If they still want me I will!" masayang pahayag niya. 

Si JC de Vera naman, kita sa katawan na nag effort para sa event dahil mas toned at defined ang kanyang muscles.

"Kumain lang ako ng tama at regular na nag gym nakakahiya naman kung di maganda katawan natin kung rarampa tayo gaya nito," sabi ng aktor. 

Ilan din sa celebrities na kasama sa Cosmo Carnival 2015 ay sina Elmo Magalona, Derrick Monasterio, Alex Castro at PBA players Jens Knuttel at Ryan Arana.