• Home
  • Fresh Scoops
  • Marjorie Barretto reacts to sister Claudine Barretto’s comeback

Marjorie Barretto reacts to sister Claudine Barretto’s comeback

Marjorie Barreto on Claudine Barretto’s acting comeback: ‘I’m genuinely happy for her’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/6/2015 4:29 AM
Marjorie Barretto reacts to sister Claudine Barretto’s comeback


090515-marjorieclaudine_pus.jpgParehong nagbabalik sa pag-arte ang magkapatid na Marjorie at Claudine Barretto. Si Claudine ay kasama sa pelikulang Etiquette for Mistresses ng Star Cinema with Kris Aquino, Iza Calzado, and Kim Chiu. Si Marjorie naman ay nasa cast ng TV5 series na My Fair Lady na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis.

Ayon pa kay Marjorie, kontrabida ni Jasmine ang role niya sa bagong series pero dahil romcom lang daw ito, hindi raw siya mataray na mataray.

Masaya rin niyang ikinuwento sa Push.com.ph na masaya siya na bumalik na rin sa showbiz si Claudine at parang nagkasabay pa sila.

“Oo, eh, nagkataon,” natatawa niyang pahayag.

“You know, I’m genuinely happy for Claudine. And you see, her spirits are very high and talaga namang what a waste kung hindi siya magbalik sa industriya,” dagdag pa ni Marjorie.

Eh, ano naman ang reaksyon ni Claudine na active na rin si Marjorie sa pag-arte?

“She is very supportive. Niregaluhan pa nga niya ako ng chair na magagamit ko sa taping na puwede ring gawing bed,” kuwento niya.

“One time, sabi niya, ‘open the door.’ I was in my room, ‘yung kwarto ko, buksan ko daw ‘yung pintuan. Sabi ko, ‘why? Basta buksan mo lang,’ so pagbukas ko, nandu’n na ‘yung taping chair ko.

“Kasi siyempre, ang tagal kong walang work, so wala akong gamit pang-taping talaga. So, pagbukas ko ng door, nandu’n na ‘yung taping chair na gustung-gusto ko. Tapos sabi niya, ‘para you remember me while you work,’” dagdag na kuwento pa ng aktres.

Pagkatapos ng mga naging isyu sa kanila noon ni Claudine ay masasabi niya raw ngayon na talagang okey na okey na sila bilang magkapatid.
090515-marjorieclaudine_pus.jpg“We are really okay. Of course, hindi maiiwasan na nagkaroon ng konting ilangan before noong bago pa lang kaming nagkakaayos, pero ngayon, okey na lahat,” pag-amin pa niya.

“Ipokrita naman ako if I say na walang ilangan. Siyempre, for a few days, hindi mo alam kung...di ba? But wala na rin naman after a while. And my kids are very happy to be reunited with her,” hirit pa niya.

Eh, how about Gretchen, kumusta naman ang relasyon nilang magkapatid?

“Wala kaming communication. Hindi ko siya nakikita,” matipid niyang pahayag.

Samantala, hindi naman ipinagkaila ni Marjorie na umaasa siyang maaayos din ang problema nilang magkakapatid.

“You know, I cannot...  But I know, everything kasi has timing, di ba? There’s a time for everything.

“Sometimes, you don’t force things. Kailangan talaga, nasa sa loob mo na or talagang you healed na or whatever. So, maybe I pray for it once in a while pero hindi ko na masyadong wini-wish because it will fall into place. Sa dami ng pinagdaanan ko, everything will fall into place,” paliwanag ni Marjorie.