• Home
  • Fresh Scoops
  • Cheena Crab talks about working with Kris Aquino on ‘Etiquette for Mistresses.’

Cheena Crab on co-star Kris Aquino: ‘Na tense po ako kay Ms. Kris!’

Cheena Crab talks about working with Kris Aquino on ‘Etiquette for Mistresses.’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/05/2015 10:01 AM
Cheena Crab on co-star Kris Aquino: ‘Na tense po ako kay Ms. Kris!’
090515-cheenacrab_push.jpgBalik showbiz ang lady comedian na binansagan as "pambansang manga" na si Cheena Crab. Bahagi si Cheena sa lead cast ng Etiquette for Mistresses under Star Cinema at ipapalabas na ngayong last week ng September.

Huling project ni Cheena sa showbiz ang pelikulang Sakal Sakali Saklolo ang MMFF movie na pinagbidahan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Gumanap si Cheena Crab bilang eksenadorang nanay ni Baby Bronson na kapatid sa labas ng character ni Judy Ann sa pelikula.

"Nakaka-miss din po ang nandito sa sariling bansa natin at nagbabalik pelikula. Hindi naman ako totally nawala dahil kahit naka base na ako sa US nag stand up comedian pa rin ako sa mga comedy bars doon."

Nagkatotoo daw ang biruan ni Cheena at ng kanyang manager bago siya umalis na isang major project lang ang makakapag pabalik sa kanya sa Pinas.

"Akalain mo nagkatoo ang biruan namin na isang malaking Star Cinema movie lang ang makakapagpa comeback sa akin? Tapos ngayon eto na nga? (Laughs)"

Aminado si Cheena na tulala siya sa malalaking names na kasama niya sa movie na Etiquette for Mistresses at isang co-star lang ang na-tension siya at na star struck ng maka-eksena.

"Si madam Kris (Aquino) pareho yun na star struck ako at na tensyon ng makasama sa shooting. Halos lahat kasi ng eksena namin dito magkakasama kami at siyempre noong una nakakatakot lalo na kung magkakamali ka pero ambait nya in fairness,"

Pagkatapos maipalabas ng pelikula babalik na sa Amerika si Cheena at wish niya na sana ay magkaroon pa siya ng oportunidad para makabalik muli dito sa Pilipinas.