Vic Sotto wants a private and intimate wedding in December

Lolit Solis reveals details about Vic Sotto-Pauleen Luna wedding.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/4/2015 9:03 AM
Vic Sotto wants a private and intimate wedding in December


090415-vicpauleen_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, kinumpirma ni Vic Sotto ang engagement niya sa girlfriend na si Pauleen Luna, pero tumanggi naman si Vic na magbigay ng details tungkol sa gaganaping kasal. 

Sinabi ng manager ni Pauleen na si Lolit Solis na gaganapin ang kasal sa kapaskuhan. Gusto diumano ni Vic ng isang intimate at private wedding para sa mga kapamilya nila ni Pauleen.

Sa araw ng announcement ni Vic, lumipad naman si Pauleen papuntang Los Angeles para umattend ng wedding ng isang kamag-anak. Sa LA na rin pipili si Pauleen ng isusuot na off-the-rack wedding gown nina Monique Lhuillier o Vera Wang.

Dagdag pa ni Lolit, nagpropose si Vic kay Pauleen noong isang linggo, matapos ang bakasyon ng komedyante sa Hong Kong.

Bago pa man ang announcement ng kanilang engagement, nagpahiwatig na si Pauleen ng kagustuhan nilang dalawa ni Vic na lumagay sa tahimik. Ani Pauleen, “napag-uusapan naman, but of course nothing final. And if ever na final na sa amin na lang muna yun. At naniniwala naman po ako na kung kagustuhan yun ng Diyos e mangyayari naman po talaga siya.”

Nauna na diumano ang pagpagawa ng bahay nina Vic at Pauleen sa Laguna. Ayon kay Lolit, maaring dito idaos ang gaganaping Catholic wedding ng dalawa.

Nagulat naman ang mga katrabaho ni Vic sa kanyang announcement. Ayon sa ulat, bago pa at kasunod ang hiwalayan ni Vic at ng kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie noong 1990s, ay maraming mga co-hosts at iba pang babae ang naugnay kay Vic pero hindi naman niya pinakasalan.

Sinabi rin ni Lolit na walang prenuptial agreement ang kasalang Vic at Pauleen dahil likas na galante raw si Vic. Maayos na rin ang gusot sa pagitan ni Pauleen at ng mga anak ni Vic. Hinahangaan daw ng anak ni Vic na si Danica Sotto si Pauleen dahil diumano, alam ni Pauleen kung saan siya lulugar sa extended family ni Vic.

Kasalukuyan namang ini-enjoy ni Pauleen ang kanyang 3-carat diamond engagement ring.