Michael Pangilinan to name his first son Ezequiel

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/4/2015 9:06 AM
Michael Pangilinan to name his first son Ezequiel


090415-michael_main.jpgMuntik nang hindi makadalo si Michael Pangilinan sa presscon ng Your Face Sounds Familiar season 2 dahil sinumpong na naman ito nang matinding sakit ng tiyan ilang minutes bago magsimula ang presscon. Mabuti na lang at naging maayos ang pakiramdam niya pagkatapos dalhin sa clinic ng ABS-CBN.

Kasama si Michael sa walong celebrities na ipinakilala sa entertainment press na magiging contestant sa Your Face Sounds Familiar na magsisimula nang umere sa Sept. 12.

After the press launch, diretso naming tinanong si Michael kung totoo nga bang nakabuntis siya at magiging isang ama na.

Hindi naman niya ito idinenay. Ayon pa sa kanya, five months pregnant na ang kanyang ex-girlfriend na ayaw niyang banggitin ang pangalan dahil isa rin itong aspiring artist.

“Wala naman akong balak itago ang tungkol dito. Aaminin ko rin naman. Ang nahirapan lang ako is kung paano ko siya sasabihin noon sa manager ko (Jobert Sucaldito) at sa parents ko. Pero nu’ng nalaman naman nila... alam kong medyo mahirap, pero tinanggap din naman nila agad,” paliwanag ni Michael sa Push.com.ph.

Nineteen years old pa lang si Michael at ang ex-girlfriend at aminado ang Harana Prince ng Your Face Sounds Familiar na malaking obligasyon ang kanyang haharapin dahil sa nangyari.

“Haharapin ko naman ang lahat. Never ko ring naisip na ipalaglag ang bata,” paniniguro pa niya.


090415-michael_main.jpgSa tingin ba niya makakaapekto sa magandang takbo ng career niya ang pagiging binatang ama?

“Parang tinanong ko rin po sa isip ko, ano ang pipiliin mo, kung magkakaroon ka ng career pero papatay ka ng tao, or mawawalan ka ng career?

“Sabi ko, ganu’n talaga, kung ‘yun ang gusto ni Lord na mawalan ako ng career pero hindi ko pinatay ‘yung binigay Niya sa akin, tatanggapin ko ‘yun. Pero siyempre, sabi ko, hindi naman po natin hawak ‘yung tadhana, eh,” katwiran niya.

Idinagdag pa ni Michael na mas nakaramdam siya ng maturity dahil sa nangyari.

“Mas nagkaroon ako ng focus kasi iniisip ko na ngayon na yung mga ginagawa ko ay para sa magiging anak ko. Hindi na rin ako masyadong gumagastos ngayon. Nag-iipon na ako,” sambit pa niya.

Maging ang mamahaling gamit na gusto niya sanang bilhin sa mga kinikita sa showbiz ay kinalimutan na rin daw niya.

“Yung sasakyan na gusto ko sanang bilhin, hindi ko na bibilhin. Wala na ‘yon. Erase na yon,” sey ulit niya.

May pangalan na ring naisip si Michael sa magiging panganay niya na posible raw lalaki. “Ang gusto kong pangalan niya ay Ezequiel.”

Ang ibig sabihin ng name na Ezequiel ay “God strengthens.”

Sa kabila naman ng mga pangyayari, suportado naman si Michael ng kanyang pamilya at ng manager niyang si Jobert.

“Ngayon niya mas kailangan ang pang-unawa at suporta from us kaya hinding-hindi namin siya iiwan. Nandito lang kami palagi para sa kanya,” sey ni Jobert.

Anyway, ang iba pang celebrity contestants na makakasama ni Michael sa YFSF season 2 ay sina Denise Laurel, Kean Cipriano, KZ Tandingan, Sam Concepcion, Eric Nicolas, Myrtle Sarrosa at Cacai Bautista.

Sina Gary Valenciano, Sharon Cuneta at Jed Madela pa rin ang magsisilbing hurado ng YFSF.