• Home
  • Fresh Scoops
  • Albert Martinez admits he thought of his late wife Liezl while he was doing some scenes in ‘All of Me.’

EXCLUSIVE: Albert Martinez on doing daring scenes with Yen Santos: ‘She trusted me and I trusted her

Albert Martinez admits he thought of his late wife Liezl while he was doing some scenes in ‘All of Me.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/05/2015 03:02 AM
EXCLUSIVE: Albert Martinez on doing daring scenes with Yen Santos: ‘She trusted me and I trusted her
090415-albertyen_main.jpgKahit para sa iba ay “senior actor” na ang dating matinee idol na si Albert Martinez, masuwerte pa rin siya na naipapareha sa mas batang aktres. Sa first week episodes ng afternoon series na All Of Me, ang love affair nila ni Yen Santos ang naging highlight.

Actually, tinanggap ko siya because maganda yung material talaga. Hindi ko inisip yung age gap, so, nung prinisent sa amin yung material, that day itself I fell in love with the material. Sabi ko, sige, I’ll do it.

“Hindi ko pa kilala si Yen, ha. Nung prinsent sa akin yung project, I have no idea kung sinu yung leading lady. Nalaman ko na lang siya after,” simulang pahayag ni Albert sa push.com.ph.

Nang malaman ni Albert na bata pa si Yen (who is only 22), medyo napaisip daw siya kung gagawin ang project.

“Nagkaroon ako ng apprehension kasi si Yen, she’s too young. Kasi feeling ko, baka maging awkard. So, nag-usap din kami nung director and yung writer na ayokong i-push ito na parang ako yung magte-take advantage sa girl. Kasi pangit ngang tingnan an older man taking advantage to younger woman,” rason niya.

Na-surprise naman si Albert na marami ang kinilig sa mga eksena nila ni Yen sa All Of Me sa mga nakapanood nito sa special screening sa SM Megamall Cinema 7.

“Ako, kinilig din when watching it. Yung naging reaksyon ng audience, don’n ako nagulat, I wasn’t expecting it. Do’n ako medyo... akala ko kami lang yung kinikilig, pati pala audience,” natatawa niyang pahayag.    

First time namang pumayag ni Yen to do daring scenes at kissing scenes. Sa hiwalay naming interbyu, nagpapasalamat siya napaka-professional ni Allbert sa naturang mga eksena.

We did it that way,” reaksyon niya. “It’s a matter of respect of each other. Basta, she trusted me, I trusted her, so, that’s how it went. Kasi kung hindi siya nagtiwala sa akin at hindi ako nagtiwala sa kanya, hindi makikita yung same power on screen, hindi siya magiging ganun,” paliwanag ng atkor.

Inamin din ni Albert na habang ginagwa niya ang dying scene ni Ina Raymundo na gumaganap na wife niya sa All Of Me, hindi maiiwasang mag-flashback sa kanya ng pagkamatay ni Liezl Martinez.

It’s so close to home. It’s really... siguro magpa-flashback yung nangyari na yon sa akin for the rest of my life, hindi na mawawala yon. Thirty years kayong mag-asawa, so not a single moment na mawawala siya sa consciousness ko, sa alaala ko. And she’s always be a part of whatever I do everyday,” he said.