Ellen Adarna ‘friend-zones’ Ejay Falcon

Ellen Adarna tells Ejay Falcon they should just be friends.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/01/2015 06:07 AM
Ellen Adarna ‘friend-zones’ Ejay Falcon
093015-ELLEN_main.jpgTatak na ng Pasion De Amor star na si Ellen Adarna ang pagiging direkta kung sumagot sa mga itinatanong sa kanya. Kontrobersyal na naman ngayon si Ellen dahil sa usapan na may naganap sa pagitan nila ni Paulo Avelino sa nakaraang Star Magic Ball. Natawa si Ellen at nilinaw ang issue.

"Yes, napag-usapan namin ni Paulo yan, natawa na kang kami. Matagal na kami magkaibigan and kung gugustuhin namin na maging kami, matagal na dapat yun. Nag smoke lang kami sa labas and is smoking the new sex?"

Single ngayon si Ellen at aminado naman na may mga dini-date siya at kinikilala. Hindi daw siya sanay na nililigawan sa traditional na paraan gaya ng ginagawa sa kanya ng Pasion leading man na si Ejay Falcon.

"Nagpapadala yan ng pagkain at ng flowers tapos nagsabi siya na nanliligaw na nga. Sabi ko sa kanya na hindi pa ako ready na makipag-commit at wala ako mai-offer sa kanya. Sinabihan ko siya to stop at maging friends na lang muna kami."

Nilinaw din ni Ellen na magtatagal pa ang book two ng Pasion De Amor at abangan ang mga pasabog sa kanilang serye na napapanood tuwing hapon sa ABS-CBN.