• Home
  • Fresh Scoops
  • What is Melai Cantiveros role on Your Face Sounds Familiar's new season?

What is Melai Cantiveros role on Your Face Sounds Familiar's new season?

Melai explains what a "KaTroFamiliar" is.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/3/2015 11:39 PM
What is Melai Cantiveros role on Your Face Sounds Familiar's new season?



090315-melai_main.jpgSorpresang dagdag sa new season ng Your Face Sounds Familiar ang unang grand champion nito na si Melai Cantiveros. Hindi bilang co-host ni Billy Crawford ang magiging role ni Melai kundi bilang "KaTroFamiliar" na ipinaliwanag ni Melai kung ano ito. 

"Pang-gulo po ako dito, pang-asar sa mga contestants ng new season bale makikita rin nila ako dito na nag iba-iba ng itsura sa bawat episode pero 'di mga icons ang gagayahin ko kundi mga sikat na celebrities naman," paliwanag ni Melai. 

Napa-throwback naman si Melai ng mapanood ang performance ng bagong batch ng YFSF. 

"Parang kakaiba nga ang pakiramdam ng mapanood ko sila kasi this time nanonood na lang ako, hinahanap ko sila ate Karla, sila Jolina, yung grupo namin noon, pero ngayon iba na, pinapanood ko na lang sila."

Nagbigay advise din si Melai sa bagong batch ng YFSF contestants.

"Basta mag enjoy kang sila, ako noon pressured ng magsimula ang season namin. Pero nag-enjoy lang ako na may kahalong pag career sa performance kaya ayun ako ang nag champion."

Magsisimula ng mapanood ang new season ng Your Face Sounds Familiar sa September 12.