• Home
  • Fresh Scoops
  • Marjorie Barretto gives an update on Julia Barretto’s petition to change her surname

Marjorie Barretto gives an update on Julia Barretto’s petition to change her surname

Marjorie Barretto also has a message for her ex-husband Dennis Padilla.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/3/2015 11:46 PM
Marjorie Barretto gives an update on Julia Barretto’s petition to change her surname



090315-marj_main.jpgDahil late na dumating si Jasmine Curtis sa press launch ng kanyang bagong TV show sa TV5 na My Fair Lady kaya si Marjorie Barretto muna ang ininterbyu ng entertainment press. Ayon sa kuwento ng aktres, almost 10 years din siyang nagpahinga sa pag-arte.

“Siguro, the timing was good, na naiinip na rin ako and the offer was at the right time. At saka, malalaki na rin ang mga bata, settled na ang mga bata, so puwede nang mag-work for a while. Plus, it’s not so heavy, it’s a romcom, so hindi ako masyadong mabibigla,” paliwanag ni Marjorie kung bakit siya tumanggap ulit ng acting assignment.

Natanong din siyempre ang aktres tungkol sa isyu ng anak niyang si Julia Barretto at sa ama nitong si Dennis Padilla kung ano ang latest sa pagpa-file ni Julia ng petition to change her surnamefrom Balivia (tunay na apilyedo ni Dennis) to Barretto.

About the case kasi, that’s why I don’t know why Dennis is comfortable talking about it   kasi may gag order yon talaga, eh. So, I’m not really free to talk about it,” rason niya.

“Ang mas maganda, if Julia addresses the question herself. Kasi ayoko namang ma-acuse na nakikiaalam o nang-iimpluwensiya,” dagdag pa niya.

Patuloy pa rin ang hearing ng kaso  ayon kay Marjorie pero ang pakiusap niya, sana raw ay huwag na lang itong i-cover pa ng media dahil personal naman na isyu naman ito nina Julia at Dennis.

You know, I wish na hindi masyado siyang ma-cover or mahaluan ng... kasi sobrang personal ito, eh, at para rin maging peaceful ang resolution. Kasi, katulad niyan, whatever maganap, dapat hindi mapag-usapan (sa media) kasi nga, there really is a gag order.

“But if we leave her alone or si Dennis, baka maayos nila nang maganda kung hindi nila i-involve masyado ‘yung media. Not only media, ‘yung social media rin,” pahayag pa niya.

Eh, hindi ba okay na kay Dennis na ituloy ni Julia ang petisyon at hindi na niya ito kokontrahin?

“Iba siya sa personal, iba ‘yung sinasabi niya sa inyong lahat. He says something else in public. So, ako, nasasaktan ako para sa mga anak ko,” bulalas pa niya.

“Kung sana, ipakita na lang niya ‘yung totoong ginagawa niya talaga sa mga bata or totoong sinasabi niya sa mga anak ko, the way he says it, maa-appreciate ko, eh. Pero ibang-iba ‘yung sinasabi niya sa press, ibang-iba kung paano niya kausapin ang mga anak ko.”

Nakiusap din si Marjorie kay Dennis na huwag na raw sanang ikuwento pa sa media ang kung anumang  problema nila ni Julia.

“Sana, maalala niya na may gag order. Hindi niya dapat mine-mention ang mga dates ng hearing. Sana maayos ‘yung relasyon nilang mag-aama na hindi nasasali ang publiko.”

Nagbigay din ng reaksyon si Marjorie sa mga nagsasabing masamang anak si Julia dahil sa  mga nangyayari sa kanila ng ama.
“Alam n’yo, mula nang ipanganak ko si Julia hanggang ngayon, she has lived with me. Ako ang nagpalaki sa kanya. Kung merong taong pwedeng sabihin na masama ang ugali niya, kung merong may karapatan, ako lang ‘yun.

“Kung merong isang taong pwedeng magsabi na masama ugali ng anak ko or nagbago na siya dahil sumikat, ako lang ‘yun. Kasi ako ang nakasama niya mula nang ipanganak siya hanggang ngayon.

And she is a good daughter, she’s really a good daughter, and that is the farthest from what people say she is,” paliwanag ni Marjorie.