• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano doesn’t believe that age should be the basis for when to start a relationship.

Liza Soberano talks about when she would be ready to be in a relationship with Enrique Gil

Liza Soberano doesn’t believe that age should be the basis for when to start a relationship.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/03/2015 10:09 AM
Liza Soberano talks about when she would be ready to be in a relationship with Enrique Gil
090315-liza2_main.jpgMeron nang 13 endorsements si Liza Soberano. Malaking bahagi raw ng perang kinita niya sa endorsement ay ipinambili niya ng bahay sa Quezon City.

“Nakalipat na po kami pero hindi pa tapos ang interior design,” pagbabalita ng dalaga.

Kasamang lumipat ni Liza sa biniling bahay ay ang tatay niya at ang kapatid na si Justin. Balak daw ulit niyang bumili pa ng isang bahay kapag nakaipon na.

“Yung isang bahay naman po, siguro matagal pa po yon kasi yon po yung talagang akin na bahay. Inuna ko po muna yung para sa family ko.”

Ayon pa kay Liza, hindi na siya nagwo-worry ngayon dahil may sariling bahay na matutuluyan ang kanyang pamilya.

“At least, alam ko na safe na ako na may house na akong stable at alam kong kung may mangyari sa akin, knock on wood, at least, meron silang titirhan, and I don’t have to worry about that,” very practical niyang pahayag.

Ibinalita na rin ni Liza nang makausap siya ng Push.com.ph sa press lunch ng NDG Cares (her new endorsement) na may ginagawa na silang pelikula ngayon ng ka-love team na si Enrique Gil at kasama raw nila dito si Gerald Anderson.

“May movie po kami, Everyday I Love You. Later this year po ito ipapalabas.”

Idinagdag din ng manager niyang si Ogie Diaz na may gagawin na ring teleserye ang dalawa na follow-up nila pagkatapos ng matagumpay na Forevermore.

Now that, they are always together, maamin na ba ni Liza na nanliligaw na sa kanya si Quen?

“Ah... well, nagpaparamdam po siya pero yung priorities ko po talaga is yung career ko. I’m focusing on my career kasi marami pa po akong kailangang bayaran. Yung bahay ko po, ‘di pa tapos bayaran,” katwiran ni Liza.


090315-liza_main.jpgEh, nagseselos ba siya kapag may ibang nali-link na babae sa ka-love team?

“Ah, hindi naman po,” sagot agad niya.

Eh, si Quen, nagseselos ba naman siya?

“Parang hindi naman din po,” sagot ulit niya na parang nag-iisip.

“Wala naman po siyang sinasabi, pero inaasar niya ako. Kunyari kay Gerald, nung nagsyuting po kami, sabi niya, ‘Oy, Gerald,’ ginaganu’n niya ako. Parang ako naman, ‘sus.’ Ganun lang ako,” kuwento pa niya.

Debut na ni Liza next year (2016), pero wala raw siyang balak na mag-celebrate.

“Wala pong debut celebration na magaganap,” deklara agad niya.

“Ayoko lang po talaga. January 4 ang birthday ko po. Ayoko po talaga ng engrandeng debut kasi the preparations for it, parang sobrang daming stress. Gusto ko lang ay charity events. Siguro simpleng party lang with family and close friends. Yon lang po. I really want it to be sentimental.”

Nirespeto raw naman ng Star Magic ang kanyang desisyon na wag magkaroon ng debut celebration.

“Kinausap ako ni Mr. M (Johnny Manahan), sabi niya, hindi niya raw po ako pipilitin kung ayaw ko,” comment pa niya.

Kapag 18 na ba siya, puwede na niyang sagutin si Enrique at maging mag-boyfriend sila?

“I don’t think age is the basis. When I’m ready, when I think that I can handle being in a relationship,” sabi pa niya.

Eh, kelan ba naman siya magiging ready?

“I don’t know, hindi ko masasabi. Kasi ayokong magsalita kasi baka hindi ko naman matutupad. Siguro I will be ready when I start feeling the love,” nakangiting pagtatapos ni Liza.