• Home
  • Fresh Scoops
  • Michael Pangilinan feels pressured to live up to the success of ‘Your Face Sounds Familiar’ season one.

EXCLUSIVE: Michael Pangilinan ready to impersonate Vina Morales in ‘Your Face Sounds Familiar’

Michael Pangilinan feels pressured to live up to the success of ‘Your Face Sounds Familiar’ season one.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/03/2015 10:06 AM
EXCLUSIVE: Michael Pangilinan ready to impersonate Vina Morales in ‘Your Face Sounds Familiar’
090315-michael_main.jpgMaraming magagandang nangyayari sa career ng Harana member na si Michael Pangilinan. Katatapos lang ng successful concert niya sa Music Museum with Hajji Alejandro. May stage musical siyang Kanser at pati pag-arte sa pelikula ay pinasok na rin niya.

Ilu-launch siya bilang movie actor sa Pare Mahal Mo Raw Ako, isang controversial song mula sa Himig Handog P-Pop Love Songs na si Michael din ang nag-interpret. The song was composed by Joven Tan at siya rin ang magdidirek ng movie version nito.

Pero ang isa pang lalong nakaka-excite kay Michael ay ang pagkakapili sa kanya bilang isa sa walong celebrity contestants ng Your Face Sounds Familiar na magsisimula na ang airing sa Sept. 12.

“Sobrang sarap siyempre ng pakiramdam,” bulalas n Michael. “Pero marami pa akong gustong patunayan at gustong gawin, and sobrang thankful ako at sobrang sarap sa feeling na lahat nasusubukan ko.

“Nasa teatro ako, movie, pag-arte, so eto, singing talaga yung gusto ko talaga, pero susubukan ko naman ngayon yung impersonation ng mga music icons. Excited ako but at the same time, very nervous kasi hindi ko alam kung ano yung kalakaran, kung ano yung style at kung ano yung puwedeng mangyari., yung gagawin ko sa loob,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa actor, malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil napili siya sa Your Face Sounds Familiar.

“Marami kasing nag-audition din na magagaling, eh. Hindi talaga siya handpicked. Audition talaga siya and, ayun nung sinabi sa akin na pasok daw ako, hindi ko na alam kung ano yung magiging feeling ko.

“Pero unang-una sa lahat, siyempre, nagpasalamat ako kay God sa mga blessing na ito. Kasi siguro, kung hindi ako nananalig kay God, walang ganito, wala na akong boses siguro at hindi ko magagawa lahat ng ito,” pahayag pa ni Michael.


090315-michael_main.jpgEh, ano namang masasabi niya sa mga makakalaban niya sa Your Face Sounds Familiar?

“Hindi ko iniisip na kompetisyon yung pinasok ko, eh. Iniisip ko siya na parang entertainment para sa taong manonood. So, sabi ko sa sarili ko, actually lahat naman po kami sinabi namin na, wala dapat kompetisyon.

“Actually, nagbibiruan nga po kami na hati-hati kami pagdating sa dulo. Ano kasi kami, hindi po namin iniisip na, ‘o kailangan, mas magaling ako, o kailangan mas magaling ka sa akin.’ Parang more on, kailangang gawin natin ang lahat at ang pinaka-best natin para makapagpasaya ng tao.”

Nakakaramdam din daw sila ng pressure dahil naging very successful ang naunang season ng programa.

“Mahirap sundan yung season one, so anong puwede naming gawin na hindi kami bababa don sa ratings na nakuha ng season one, na baka puwede pang mas tumaas. So sabi namin, wag tayong maglaban para mas maganda yung relationship natin sa isa’t isa. So, yon po,” pagkukuwento ni Michael sa naging kasunduan nila ng mga kasamahan sa YFSF.

Nabanggit din ni Michael na meron siyang babaeng singer na sa tingin niya ay kaya niyang gayahin.

“Sa tingin ko, kaya kong gayahin si Vina Morales. Yung boses niya, kaya kong gayahin. Yung looks na lang at nuances ang kailangan kong pag-aralan. Pero yung looks naman, may make-up artists naman ang show,” sey pa niya.

Handa na rin daw siyang magdamit babae at mag-shave ng kanyang hair sa binti at kili-kili kung ang maa-assign na music icon sa kanya ay babae.