• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda on Kris Aquino’s love life: ‘If it’s worth sacrificing again, go!’

Vice Ganda on Kris Aquino’s love life: ‘If it’s worth sacrificing again, go!’

Vice Ganda also believes that Coco Martin and Julia Montes have ‘something.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/30/2015 6:07 AM
Vice Ganda on Kris Aquino’s love life: ‘If it’s worth sacrificing again, go!’


092915-KRISVICE_main.jpgTinanong ng Push.com.ph si Vice Ganda kung ano ang masasabi niya sa relasyon ng kaibigan niyang si Kris Aquino kay Quezon City Mayor Herbert Bautista at hindi naman nagdalawang isip ang It’s Showtime host na sabihin ang kanyang opinyon.

“Mabait sa akin yon (Herbert), eh...  si Mayor, mabait siya sa akin. Kung anuman ang relasyon nilang dalawa, iba rin naman ang relasyon namin ni Bistek, iba rin yung relasyon namin ni Kris,” reaksyon niya.

Nagbigay na rin daw siya ng advice kay Kris pagdating sa paghahanap nito ng magiging bagong karelasyon.

“Eh, ako nga kasi, ang sabi ko sa kanya noon pa na, ‘may edad ka na, kung ano yung makakapagsaya sa ‘yo ngayon dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ang buhay natin, don’t miss the opportunity. Ang dami mo na rin namang isinacrifice sa buhay, di ba? If it’s worth sacrificing again, go!’

Sa palagay ba niya ay worthy si Bistek para sa kaibigan?

Only she can tell,” sagot agad niya.

“Kasi di ba, kung pakikinggan mo ang opinyon ng ibang tao, eh, ikaw rin naman ang nabagot. Ikaw rin naman ang natulog mag-isa. Tatabihan ka ba niyang mga taong yan kapag nalulungkot ka? Hindi naman, ‘di ba?” hirit pa niya na tama din naman talaga.

Eh, ano naman ang masasabi niya malaking impluwensiya sa kanya si Kris pagdating sa paggawa niya ng mga desisyon.

“Kasi alam din niyang ganu’n ang iniisip ng tao sa kanya, eh. Na iniimpluwensyahan niya ako, pero never talaga. Knowing me, hindi rin naman ako... may sarili rin naman akong desisyon sa buhay,” paglilinaw pa niya.

When asked naman kung sa palagay ba niya ay may relasyon na sina Julia Montes at ang isa pa ring close niya na si Coco Martin, natawa siyang bigla.

“Alam mo, we don’t talk about Julia. Ayaw niya, binabatukan niya ako. Kaya feeling ko, may something. Ayaw niyang pag-usapan, eh,” pag-amin pa niya.