• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrea del Rosario says she wants to help improve her hometown.

EXCLUSIVE: Andrea del Rosario admits she has plans of running for vice mayor in Calatagan

Andrea del Rosario says she wants to help improve her hometown.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/30/2015 06:04 AM
EXCLUSIVE: Andrea del Rosario admits she has plans of running for vice mayor in Calatagan
092915-ANDREA_main.jpgSasabak na rin pala sa pulitika ang former Star Magic artist at Viva Hot Babe member na si Andrea del Rosario. Naimbitahan siya ng isang partido para tumakbong vice mayor sa Calatagan, Batangas kung saan siya lumaki.

“I am considering it at parang do’n na nga yata ang punta ko,” pagbabalita ni Andrea sa Push.com.ph.

“Meron kaming properties sa Calatagan since the ‘60s, so in a way, you know, since I was a child do’n na rin ako... parang bakasyunan narin naming ever since. I grew up seeing kung paano nag-improve yung town namin.

“So, parang ganu’n yung bottomline... that awareness of what is Calatagan now and what I hope it would be someday. Ganu’ siya nag-start (her interest to be the vice mayor of the town),” kuwento pa ni Andrea.

Gusto rin daw niyang gumawa at subukan ang ibang mga bagay bukod sa pag-aartista at pagma-manage ng kanyang sariling food business kaya siya nagtapos ng pag-aaral.

“That’s the reason why I tried to finish my college [course]. I studied masters in Entrepreneurship sa Ateneo, that’s two-year course, ng masters.

“Kaya nga hindi rin ako active masyado sa pag-arte is because may mga inasikaso lang ako sa town namin sa Calatagan and I started last year pa. I’ve been turning down soap operas, pero yung ginagawa ko, I don’t want to call it paghahanda, eh, masyadong politics yung term.

“It’s more of like... kaya ako nagpahinga muna sa showbiz is I don’t want to fool may kababayans na papasok lang ako kung kailan campaign na. I don’t want to do that to them. Ayoko ng ganun.

“So, I had to start early, pinapakita ko lang sa kanila that I’m serious about it. That I really want to be there, and be their leader... parang ganu’n.

“Kasi iba ang politicians, di ba? Some of them, they are capitalizing on their popularity na tipong ‘o, sikat ako...’ I don’t want to do that to them kaya medyo nag-lay low talaga ako,” mahaba niyang paliwanag.

Positibo naman si Andrea na magpe-pay-off ang ginagawa niyang sakripisyo na iwanan muna pansamantala ang showbiz para sa mga kababayan niya.

“Maming natanggihan talaga, but you know, in anything naman may kailangan talagang i-sacrifice talaga. One year to go na lang and then we’ll see from there if it’s really for me or fits my purpose in life, so we’ll see,” pagtatapos ni Andrea.

Main photo credit to andreadelrosariohot IG