Patuloy naman ang paghataw ng ABS-CBN sa sumunod na araw ng manguna ang “MMK” sa listahan ng pinakapinanood na mga programa sa bansa noong Sabado sa pagtampok nito ng kwento ng banana cue vendor na ngayon ay “The Voice Kids” season 2 champion na si Elha Nympha. Nakakuha ang tagos pusong “MMK” episode ng national TV rating na 31.9%, habang ang katapat nitong programa na “Magpakailanman” ay mayroon lamang 24.3%.
Mas marami na rin ang tumututok sa “It’s Showtime” na pinanood noong Sabado (Setyembre 26) para sa kanilang “Showtime Kapamilya Day: The ANIMversary Kick Off” sa Araneta Coliseum. Nakapagtala ang noontime show ng national TV rating na 22.5% noong Sabado na malaking angat mula sa 17.3% noong Huwebes (Setyembre 24) at 18.8% noong Biyernes (Setyembre 25).
Samantala, wagi rin ang unang episode ng bagong ABS-CBN weekend game show na “Celebrity Playtime” ni Billy Crawford na umani ng national TV rating na 28.7%, na halos sampung puntos na lamang sa kalaban na programa na “24 Oras Weekend” (19.9%).
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.