• Home
  • Fresh Scoops
  • Maria Ozawa wants to apologize face-to-face to Robin Padilla

Maria Ozawa wants to apologize face-to-face to Robin Padilla

Maria Ozawa says sorry to Robin Padilla

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/29/2015 5:59 AM
Maria Ozawa wants to apologize face-to-face to Robin Padilla


092915-OZAWA_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, nagpahayag ng public apology si sexy Japanese actress Maria Ozawa kay Robin Padilla para sa pambabatikos niya sa aktor noong August 11. Pinahayag noon ni Maria sa isang social media post ang hindi niya pagkagusto sa ginawang pagbackout ni Robin sa Metro Manila Film Festival entry na Nilalang, ten days bago magsimula ang taping.

Nagbackout noon si Robin dahil sa maselang pagbubuntis ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez, na di kalaunan nag-miscarry din.

Ayon kay Maria, “I’m really sorry about what I’ve said before and if I have a chance I want to say sorry in person, I want to apologize about everything. Best wishes to them.” 

Tinanggap naman ni Robin at manager niya na si Betchay Vidanes ang apology ni Maria. Ayon sa kampo ni Robin, sa wakas humingi ng apology si Maria dahil maling batikusin niya si Robin. Sila raw kasi ang nagrekomenda kay Maria para makasama sa MMFF. Hangad diumano nila ang kabutihan ni Maria.