After first airing
in 2009 initially with a morning show format, It’s Showtime has definitely come a long way as the successor
of the defunct Happy Yipee Yehey’s time
slot. It’s only fitting
to honor the show’s sixth year anniversary with words from the stars themselves
as testament to Showtime’s enduring
qualities.
Liza Soberano
"For me it’s really the hosts mismo that you’ll love about the show, you can see that they’re all friends lahat sila, they’re like one big family and when people watch them parang nawawala lahat ng stress nila and then nagbibigay sila ng good vibes sa mga tao which everybody needs nowadays. Siyempre sa lahat ng pinagdadaanan ng bawat family or mga tao. So when you go home and watch TV or if you’re just at home, you just want to watch something na pampa-good vibes.”
Enrique Gil

"Nung unang beses ko pa lang napanuod, I really loved Showtime kasi I like to watch the performances, mga nag-au-audition before. Sana mabalik nila yun! That’s what I liked, yung mga hurado, ganyan. It’s really fun to see other people from different probinsyas tapos naglalaban laban. It’s nice to see something new all the time yung mga puwede nila ipakita. I really like that part. Gusto ko din yung mga pa-games nila. Parang there’s more interaction with the people and yun siguro yung na-e-enjoy ng tao sa Showtime."
Yeng Constantino

"Hindi naman ako usually nakakapanuod pag noontime pero pag pinapanuod ko sa internet lalo na pag pino-post sa abs-cbn.com gustong gusto ko yung pag nagpapayo si Vice as Madam Bertud. Bukod sa fun you know na parang rini-represent niya yung body ng Kapamilya na we are also concerned dun sa well-being and sa puso ng mga kapamilya natin na parang gusto mo lang matuwid yung path ng mga kabataan and also to help people who are struggling emotionally. Sobrang astig nun."
Ryan Bang

“Sa tingin ko kasi we love the madlang people and we are like a family na talaga at saka masaya kami araw-araw. At saka alam naman namin na blessed kami lahat. Mahal namin ang isa’t isa at saka mahal namin yng madlang people. Basta enjoy lang kami."
Daniel Padilla

“Pag nakakanuod ako ng Showtime siyempre dati pinaka-nag hit sa akin yung sample eh ni Jhong Hilario. Tapos yung mga acting acting nila nakakatawa din yun at saka yung mga Madam Bertud ni Vice Ganda.”
Denise Laurel

"I think more than watching the show I love guesting on it. It’s because I feel like it’s the perfect way to start the day. It’s like one of my dream gigs. I feel like if they ask me to be a guest host for a few weeks I’d be like, ‘Yes!’ because if you start your day on a positive note na parang sobrang laugh trip, sobrang saya, nagpapasaya ka ng mga tao, emotional din pero good vibes parati. I just feel like they’d make a really good family, a really good team."
Richard Yap

“I think it works kasi it’s a comedy show. It’s for the whole family. Gusto ko yung portion ni Madame Bertud (laughs).”
Jane Oineza

“Naalala ko inaabangan ko lagi dati yung comment ng madlang people kasi ang gusto ko talaga sa Showtime yung interaction nila sa madlang people, parang part talaga sila ng buong show tapos kuwela pa. Hindi siya boring, lahat ng hosts very candid. Maganda yung pagsasama nila at friendship nila tapos yung pagiging candid nila yun yung nakakatawa pag naglolokohan sila, pag corny sila sa isa’t isa, ganun."
Arci Munoz

"I like that it has variety and they’re just like family and they’re playing but at the same time they are entertaining."
Ryan Rems

"Ang favorite thing ko sa Showtime is willing to compete siya tapos meron siyang never-say-die attitude."
Grae Fernanadez

“I love Showtime kasi ang daming variety ng mga ginagawa nila, mga competitions, mga production numbers, kahit anong ginagawa nila nagpapatuwa sa tao at isa na ako dun na natutuwa sa kanila."
JK Labajo

"I love the Showtime family kasi I think ay the start the show was just work to entertain people tapos biglang nabuo nila yung friendship, yung relationship nilang lahat so they made a family through their job. Ang sweet lang isipin tapos every time may Showtime guesting ako ang saya nila kasama."
Pastillas Girl

“Maganda yung portion na AdVice Ganda kasi madami tayong natutulungan, marami tayong na-a-advise-san, marami tayong nagagabayan. Hindi lang siya for entertainment, may natututunan tayo na maganda."