Herbert Bautista happy that MMFF movie with Kris Aquino is still a go

The QC Mayor says he almost got replaced by Derek Ramsay.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/28/2015 05:06 AM
Herbert Bautista happy that MMFF movie with Kris Aquino is still a go
092815-herbert_PUSH.jpg
Sa birthday treat ni Mayor Herbert Bautista para sa entertainment press para sa July, August at September celebrants ay nagbigay na rin siya ng reaksyon tungkol sa bagong pahayag ni Kris na tuloy na ulit ang kanilang MMFF movie under Star Cinema.
 
“Kasi di ba, nagsusyuting ng Etiquette (For Mistresses) si Kris tapos nagkakasakit na siya, so nu’ng una, buo na yung pelikula pero wala pang script, yung cast pa lang, and then eventually, dahil nagkakasakit nga, ayaw na niyang gawin yung movie.
 
And then, na-pursuade siya na ituloy yung movie, pero iba yung cast kasi malapit na ang eleksyon, eh, ‘di ba? And at this point, ia-announce na yung line-up ng Liberal Party, may isang term pa naman ako (as mayor), but my name is listed also in the possible senatorial candidate. Tapos biglang natuloy yung pelikula and supposedly parang si Derek (Ramsay) na yata.
 
“Pero nu’ng Tuesday, nagmiting kami ni Tita Malou (Santos) and tuloy na yung movie, kasama na ako ulit. Sabi ko nga, okay lang kung hindi ako kasama pero si Tita Malou mismo ang nagsabi na ‘we want you there, you’re the original cast, hindi puwedeng… somebody else could take the character or the role, pero you are the original cast.’ I was informed din na sa Oct. 9 magre-resume na yung syuting pero hindi ko pa alam kung kasama na ako do’n,” dire-diretsong kuwento sa amin ni Bistek.
 
Nagpapasalamat naman si Herbet sa Star Cinema for considering him again to be part of the project.
 
“I’m thankful sa Star Cinema dahil they still consider me to be part of the movie. Kahit na maliit lang yung role okay na, basta ang importante, may raket, basta may pelikula,” natatawa niyang pahayag.
 
Eh, bakit ba pinalitan na ang title ng kanilang movie?
 
“Yung Mr. & Mrs. Split is a working title. Eh, si Kris naman nakilala din sa salitang ‘love, love, love.’ I hope din na magkatuloy yung Viva at Star Cinema sa co-production dahil Viva is my manager,” sagot pa niya.
 
Nagbigay din ng reaksyon si Bistek sa tanong ng press kung totoo bang nagkabalikan na sila ni Kris.
 
“Hindi, eh! Ha-ha-ha!” reaksyon agad niya.
 
Bakit, naging sila ba talaga?
     
“Di ba sinabi niya ‘yon… sinabi n’ya yon noon, pero walang…” bitin niyang pahayag na halatang medyo umiiwas na.
 
Samantala, ayon naman sa sinabi ni Kris sa kanyang interbyu, ang title na Mr. & Mrs. Split ay papalitan daw ng Pamilyang Lab, Luv, Love. Pero habang sinasabi naman ito ni Kris sa Aquino & Abunda Tonight ay panay ang tawa niya na hindi namin alam kung bakit.

Photo credit to: http://www.mb.com.ph/