Gabby Concepcion still hopeful for a reunion movie with Sharon Cuneta

Gabby says he’s over doing boy-next-door roles.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/28/2015 05:05 AM
Gabby Concepcion still hopeful for a reunion movie with Sharon Cuneta
092815-gabbyconcepcion_PUSH.jpgHanggang ngayon ay umaasa pa rin si Gabby Concepcion na matutuloy ang matagal nang napapabalita na muli nilang pagsasama ni Megastar Sharon Cuneta sa isang pelikula.
 
“Matagal na nga ang balitang yan pero hanggang ngayon hindi pa rin matuluy-tuloy,” bulalas agad ni Gabby nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng pelikulang Felix Manalo sa Manila Hotel.
 
“Parang ang tagal. Ako nga rin naiinip na rin. I’m from the inside pero I look at myself also na parang from the outside. Gusto kong makita yung movie na yon, kung ano yung content at kung paano tatanggapin ng fans.
 
“Kasi, meron kaming mga followers na nandodo’n pa rin, na naghihintay lang ng project, yung tipong parang Richard and Dawn. So ako, I’m also a hopeful fan ng aming team-up. Sana, mangyari nga,” pag-asam pa ng actor.
 
Wala ba siyang magiging restrictions or limitations sa gagawin nilang pelikula ni Sharon if ever matuloy nga ito?
 
“Lahat na naman ng nagawa namin dapat sa pelikula, palagay ko nagawa na namin, so, parang wala na siguro. Kasi ako, just like KC, medyo ano ako, eh, mas adventurous ako sa mga roles.
 
“I don’t play mga goody-goody roles lang. Gusto ko is yung offbeat pa nga, so, okay lang kahit ano,” pahayag ni Gabby.
 
Hindi na rin daw siya komportableng maging boy next door sa pelikula.
 
“I don’t want to be identified as the boy next door, eh. I want to be identified sana as an actor, eh, di ba, and that’s my job. So, I can do any role that’s thrown to me,” dagdag niyang paliwanag.
 
Eh, how about kissing scene with Sharon?
“Kahit na ano... Ha-ha-ha!” game na game niyang sagot sa amin.
 
“ Eh, siya ba,, okay lang kaya sa kanya yon?” balik-tanong ng actor na sinundan ng isang matamis na ngiti.