• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Joel Lamangan lists down what makes ‘Felix Manalo’ a very unique film.

‘Felix Manalo’ marks many ‘firsts’ for Director Joel Lamangan

Director Joel Lamangan lists down what makes ‘Felix Manalo’ a very unique film.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/27/2015 09:39 AM
‘Felix Manalo’ marks many ‘firsts’ for Director Joel Lamangan

092715-joel.jpgHindi na masyadong istrikto ngayon ang director ng Felix Manalo na si Joel Lamangan kapag nasa set siya ng ginagawang pelikula simula nu’ng atakehin siya at ma-confine sa Makati Med para iwas high blood na rin daw.

“Nag-mellow na ng ako, mas istrikto talaga ako nung mga nakaraang pelikula ko,” pag-amin agad niya.

Pero wala raw namang epekto sa artista ang pagiging mabait niya sa set. Ayon sa beteranong director, ang natatakot lang naman sa kanya dati ay yung mga artistang hindi disiplinado sa trabaho.


“Aba, yung mga artistang natatakot sa akin, walang karapatang magtrabaho sa akin,” dagdag pa ng director.

Ipinagmalaki naman ni Direk Joel na hindi siya nahirapan sa cast ng Felix Manalo. Very cooperative daw ang lahat kahit pa umabot sa 120 ang artista sa pelikula.

“Magaan sila lahat katrabaho. Wala naging pasaway. Smooth lahat,” sey pa niya.

Marami rin daw siyang na-experience for the first time kahit matagal na siyang nagdidirek ng pelikula while doing Felix Manalo tulad halimbawa ng pagre-recreate ng mga lumang kapilya ng Iglesia Ni Cristo.

“Nag-build ako ng set. I recreated Tipas in 1886. Yung iba siyempe, CGI na lalo na yung mga barko. Lahat talaga dito itinayo lalo na yung mga kapilya nu’ng araw, yung kauna-unahan nilang kapilya, eh, wala na yon kaya gumwa pa talaga kami.

“Binuild yung kapilkya sa Tayuman, kapilya sa Pasig, binuild yon. Kinonstruct na parehong-pareho sa original nila. Kaya nga mahal itong pelikulang ito, eh,” kuwento pa niya.

“First time ko ring mag-experience ang lahat ng yan. First time kong magkakaroon ng premiere night sa napakalaking venue na Philippine Arena na 40,000 people ang expected na manonood.

“First time din na nagkaroon ng ganito kalaking launching ng pelikula sa Manila Hotel… first time yan.

“First time kong gumamit ng 7,000 extras bukod pa sa more than 100 stars at 500 na members mismo ng INC.

“First time din na ang pelikula ko ay magta-try sa Guiness World Record para sa pinakamaraming attendees sa isang premiere night. First time din na magso-showing ang pelikula ko sa 300 cinemas sa pagbubukas nito on Oct. 7.

“Ako din, first time kong gumawa sa Iglesia.”

Nang tanungin namin siya kung first time din ba niyang makatanggap ng pinakamalaking TF as a director, ang sagot niya, “First time ko rin. Ha-ha-ha! Pero huwag kayong maingay, baka habulin akong BIR,” pabiro niyang pahayag na sinundan ng malakas na halakhak.

Samantala, bida sa Felix Manalo si Dennis Trillo, Bela Padilla, Gabby Concepcion, Jaclyn Jose, Snooky Serna, Gladys Reyes at marami pang iba.