• Home
  • Fresh Scoops
  • Gloc 9 stages his first ever concert after 18 years in the music industry.

Gloc 9 prepares for his first major concert at the Music Museum

Gloc 9 stages his first ever concert after 18 years in the music industry.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/26/2015 09:46 AM
Gloc 9 prepares for his first major concert at the Music Museum
092615-GLOC9_main.jpg18 years na ang rapper na si Gloc9 sa entertainment industry pero wala pa siyang major concert na masasabi niyang kanya. Pero ngayong October 11, 17, 24 at 31 sa Music Museum, magaganap na ito sa career ni Gloc 9 sa Ang Kuwento ni Makata. Malaki ang pasasalamat ni Gloc 9 sa mga naging inspirasyon niya para maisulat ang kanyang hit records na sinasabayan ng mga kabataan ngayon gaya ng “Upuan,” “Lando,” “Magdalena,” “Sirena,” at “Wala ng Natira” na pawang may magagandang mensahe sa nangaganap sa ating kapaligiran.

"Yung mga kanta madalas yan nabubuo sa isip ko tapos sinusulat ko yung music. Hina hum ko lang sa isip ko kasi wala ako alam na tugtugin na musical instrument kaya ganun pero madalas yan totoong nangyayari kaya nai-inspire ako na isulat."

Graduate ng kursong nursing si Gloc 9 at nakita niya ang kakulangan sa health service para sa ating mga kababayan. Andami niyang naibahagi na namatayan ng mahal sa buhay dahil walang sapat na pera para maipagamot ang mga may sakit nilang kamag-anak.

"May mga songs na rin ako na tungkol sa ganyan ang tema kaya lalo ngayon na mage-elections na, iboboto ko kung sino ang makakapag-ayos ng problema natin na yan."

Pagdating naman sa pagpasok sa mundo ng acting, aminado si Gloc9 na hindi ito para sa kanya dahil ilang beses na daw niya sinubukan pero iisa ang kanyang facial expression kayat palalaguin nya na lang daw ang kanyang career sa musika.

Kasama ni Gloc 9 sa una niyang concert sina Rochelle Pangilinan, Jolina Magdangal, Regine Velasquez Alcasid at marami pang iba.