• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez returns to the concert stage with songs from unforgettable musicals

Regine Velasquez returns to the concert stage with songs from unforgettable musicals

Regine Velasquez is excited about returning to performing in a concert.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/25/2015 9:44 AM
Regine Velasquez returns to the concert stage with songs from unforgettable musicals


092515-reginevelasquez_push.jpgNagbabalik sa concert stage ang Songbird na si Regine Velasquez sa Regine at the Theater na magaganap sa The Theater ng Solaire sa November 6, 7, 20 at 21. Mga kanta mula sa di makakalimutan na stage musicals ang tema ng concert series na ito ni Regine na presented ng PLDT Home na isa sa endorsements nya ngayon.

"Hindi ko pa nagagawa ang ganitong tema ng concert and nakakatuwa dahil ang dami magagandang songs mula sa stage musicals na kasama sa line up namin and marami pa na dapat i-consider. Siyempre nandyan ang hits from Miss Saigon; Les Miserables; Phantom of the Opera and pasok din syempre ang songs from Rak of Aegis."

Naging bahagi rin ng makulay na career ni Regine ang pagkakasama niya sa cast ng stage musicals na Kenkoy at Rosing at Noli me Tangere, at nag-audition din noon si Songbird para sa Miss Saigon pero mas type nya daw talaga ang pagkanta ng pop songs na bagay sa boses nya.

"Mahirap ang ginagawa ng mga artista sa stage musicals biruin mo gabi gabi minsan twice a day pa sila nagpe-perform at dapat same voice quality dahil iba iba ang audience na nanonood sa bawat performance."

May mga guest na daw na kino consider pero ayaw muna sabihin kung sino sino ang makakasama sa kakaibang concert series na ito ni Regine basta masaya siya at nakabalik na siya sa concert stage.

"Ang tagal ko rin nawala sa concert scene nakaka-miss nagkaroon ako ng acid reflux nahirapan ako nagka crack ang boses ko pero ngayon maayos na and ready na ako ulit."

Expected na maraming fans ng Songbird ang manonood ng concert na ito ni Regine na matagal niya ng pinaghahandaan.