• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Bela Padilla shares her discoveries about working with Coco Martin in ‘Ang Probinsyano’

EXCLUSIVE: Bela Padilla shares her discoveries about working with Coco Martin in ‘Ang Probinsyano’

Bela Padilla is happy about what she’s learning from Coco Martin in ‘Ang Probinsyano.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/25/2015 9:53 AM
EXCLUSIVE: Bela Padilla shares her discoveries about working with Coco Martin in ‘Ang Probinsyano’


092515-belapadilla_push.jpgAng FPJ’s Ang Probinsyano ang first TV assignment ni ni Bela Padilla sa ABS-CBN at masayang-masaya ang aktres dahil makakatrabaho niya sa kauna-unahang pagkakataon ang King Primetime Drama na si Coco Martin.

“Unexpected ang lahat. Hindi ko na-imagine na sa first teleserye ko sa ABS-CBN ay si Coco Martin agad ang makakatrabaho ko,” bulalas agad ni Bela.

Wala rin daw siyang pakialam kahit pa she’s is playing a young mother sa Ang Probinsyano na first time niyang ginawa.

“Sana magustuhan nila yung character ko, sana mahalin nila dahil matagal namin itong pinaghandaan at matagal na rin kaming nagte-taping ng Ang Probinsyano. Ang galing ni Coco, ang galing ni Direk Malou (Sevilla).

“First time kong magka-role din ng ganun, yung wife na may anak, so mas mature siya sa ibang mga shows na nagawa ko kahit light yung ibang mga eksena, iba yung bigat pala pag may asawa ka na, tapos meron kang anak, tapos yung asawa mo pulis...

“At least, ngayon na nata-try ko yung iba-ibang ganyan, ang dami kong natututunan... ganito pala yung pinagdadaanan nila, so ‘yon,” kuwento sa Push.com.ph ni Bela.

Ibinahagi din ni Bela sa Push.com.ph ang mga natuklasan niya kay Coco kapag magkasama sila sa set ng Ang Probinsyano.

“What’s nice about Coco is hindi siya madamot tapos hindi siya mabigat kasama. Sobrang dali niyang katrabaho and sobrang nakakatwa siya behind the scene.

“Mahuhuli mo siyang laging sumasayaw... very human. Hindi siya yung... di ba, pag hindi naman ako umaaakting kasama lang nila ako, audience lang ako at pinapanood ko lang din siya and dati, parang si Coco ang tingin ko sa kanya sobrang big star, award-winning actor.

“Parang hindi ko naisip yung side niya na ‘yon na very down-to-earth. Kinuwento niya lagi kung saan siya nanggaling, kung paano niya narating kung anong meron siya ngayon, kung ano yung hard work na pinagdaanan niya. At ang maganda sa kanya is tuturuan ka niya kung paano rin marating yon.

“Hindi siya madamot, hindi yung parang ‘ako lang dapat yung nandito.’ So, nakakabilib. As much as possible, tina-try kong i-absorb lahat ng tinuturo  niya sa akin,” dire-diretsong pahayag ni Bela.

May times din na naiiyak si Bela kapag kinakausap siya at pinagsasabihan ni Coco.

“Gusto niya kasi mapabuti ako kaya nakakatuwa. Eh, nung umpisa kasi hindi pa kami ganu’n ka-close. Ngayon, mako-consider ko na siya na isang mabuting kaibigan,” sey pa niya.

“Actually, sa ABS, wala pa akong masyadong kaibigan na very concern sa akin like Coco, kaya tinatanggap ko na lang kapag pinagsasabihan niya ako kasi alam ko naman na para sa akin din yon at para sa ikagaganda ng eksena,” reaksyon ng aktres.