• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda says he has no plans of endorsing a political candidate at the moment

Vice Ganda says he has no plans of endorsing a political candidate at the moment

Vice Ganda admits that there are some politicians seeking his help for the elections.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/24/2015 8:55 AM
Vice Ganda says he has no plans of endorsing a political candidate at the moment


092415-VICE_main.jpgKatulad ng ordinaryong mga beki, may bisyo rin pala ang It’s Showtime host na si Vice Ganda na hirap na hirap niyang iwasan kahit pa pagod na siya sa hosting job sa noontime show at iba pang trabaho.

“Rampa talaga ang bisyo ko. Gusto kong nakakakita ng maraming tao sa tsug-tsug-tsug (bar). Ano ako, eh, gusto ko talaga matao. Ayoko yung kubli, naku day, mababaliw ako,” pag-amin niya.

“Pero yon lang ang bisyo ko. Hindi naman ako talaga malakas uminon. Walang makakapagsabi sa akin na halos sa gabi-gabi kong pagrampa, eh, nagsususuka ako o ano. Hindi naman ako malakas uminom, eh.

“Naninigarilyo ako, but since last week, vape-vape na lang. Na-enjoy ko, ang sarap ng vape. At least yon, wala namang nicotine,” patuloy na kuwento ni Vice.

Natanong na rin naming si Vice tungkol sa pulitika. Meron na ba siyang napupusuang presidentiable?

“Gusto ko kasi si Duterte. Eh, hindi naman siya tatakbo... Hindi ko pa alam, pinag-iisipan ko pa. Kasi yung iboboto ko, madali lang naman yan, eh, kasi sarili ko lang yon. Pero yung ie-endorse ko, yung mag-iimpluwensiya ng ibang tao, kailangang pag-isipan yan.

“Kasi yung iboboto ko, magkamali man ako, wala namang ibang mapapahamak, eh. Pero yung nang-impluwensya ka, kailangan kong pag-isipan yon,” katwiran ni Vice.

Pero how true na dahil kay Korina Sanchez kaya may balitang susuportahan niya si Mar Roxas.

“Okey kami ni Korina, pero hindi kami close. Okey kami, mabait sa akin yon. Siguro kaya nila nasabi yon kasi dahil nagpunta ako sa Keribeks. Actually, muntik pa ngang magkaproblema yung pagpunta ko sa Keribeks kasi nu’ng ma-resched, parang two days ata after mag-announce si Mar, sabi ko, baka magkakulay pulitika.

“Pero nu’ng sinabi nila na this is not about Mar, baklaan lang ito, of course, dapat nando’n ako, I will be there for the bekis,” sey pa niya.

Inamin naman ni Vice na may mga lumalapit na rin daw sa kanyang mga pulitiko at nagpaparamdam, pero hindi pa talaga siya decided.

“Sabi ko nga, kailangang pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay,” kaswal niyang pagtatapos.