• Home
  • Fresh Scoops
  • Gabby Concepcion respects his daughter KC Concepcion’s decisions.

Gabby Concepcion reacts to daughter KC Concepcion’s sexy photos

Gabby Concepcion respects his daughter KC Concepcion’s decisions.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/24/2015 08:47 AM
Gabby Concepcion reacts to daughter KC Concepcion’s sexy photos
092515-GABBYKC_main.jpgGame na nagpainterbyu si Gabby Concepciion sa ilang entertainment press pagkatapos ng grand presscon ng pelikulang Felix Manalo ng Viva Films kung saan ginagampanan niya ang role ni Ka Erano (Erdy) Manalo.

Ayon sa actor, hinding-hindi niya malilimutan na naging bahagi siya ng bio-pic ni Felix Manalo habang nabubuhay siya. “This is really something to be proud of, ang mapasama sa ganito kalaking pelikula,” sey pa ng actor.

Tinanong na rin namin si Gabby kung ano ang masasabi niya sa mga sexy photos ng anak na si KC Concepcion na naglalabasan sa social media at ayon sa kanya, wala naman siyang nakikitang masama dito.

“Merong konting reaksyon, pero sabi ko, you know, she’s an adult. She can do whatever she wants as an adult,” paliwanag niya agad.

“Nung bata siya, makikialam talaga ako kung meron akong nakikitang hindi maganda. Pero open ang aking mind sa mga ganyang art, eh,” katwiran pa niya.

Nakita na ba niya ang sexy photos ni KC?

“Well, hindi ko pa nakikita yung mga sinasabing allegations (sexy photos), pero kung magde-decide ako kung may limitations ako sa mga photos niya, yan, eh, kailangan ko munang makita.

“Wala pa kasi akong nakikita, eh. Wala namang ‘Pa, look at this,’” natatawa niyang pahayag.

Nirerespeto din daw niya kung anuman ang mga desisyon sa buhay ng kanyang anak dahil nasa tamang edad na ito.

“That’s her choice, eh. Like I said, you know, she’s an adult. It’s an art form, lahat naman ng mga ginagawa natin sa showbiz, yung mga posing, ganyan, art yan, eh. Depende rin naman yan sa taong tumitigin. Beauty is in the eye of the beholder, sabi nga.

“Ako, at a certain age ng isang tao, we have to let them run their life. We cannot be always there behind them sa lahat ng mga bagay na... kasi may mga desisyon na kahit na sabihin mong wag because laban sa paniniwala mo, eh, yon ang paniniwala nila, eh. Di ba?” he said.

Naniniwala din si Gabby na hangga’t hindi nakakasakit ng damdamin ng ibang tao si KC ay malaya itong  gawin ang gusto niya.

“Sa tingin ko, hindi naman siya nakakasakit ng tao. Kung sa tingin niya that is an art form, okey lang yon.”

Eh, ano naman ang reaksyon niya na hindi gusto ni Sharon Cuneta ang pagiging “liberated” ni KC sa mga pictorial niya dahil nawawala na raw ang values na kinalakihan nito?

“Well, kanya-kanyang paniniwala yan. Ang art kasi, ano yan, eh,  interpretation yan... And I respect the decision of her mom. Kung yon ang tingin niya, I respect that,” pahayag pa ng actor.

Main Photo credit to concepciongabby IG