Ex-wife hindi na nagulat sa bagong anak ng kanyang ex-husband

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

09/25/2015 06:03 AM
Ex-wife hindi na nagulat sa bagong anak ng kanyang ex-husband
092515-BLIND_main.jpgUmabot na sa kaalaman ng ex-wife na nanganak na last month ang nabuntis na other woman ng kanyang ex-husband.
  
Ayon sa aming source, hindi na umano na-shock si ex-wife sa balita dahil isa ding dahilan ang pagiging playboy daw ng aktor kaya hiniwalayan nito ito.

"Ang nakakalokah, eh ang eksenang nakita sila sa mall. Pagpasok sa mall, dahil maraming tao, eh ipinasa ng aktor sa bodyguard ang baby, yun ang may karga, at yung parents, sabay naglalakad na as if nagde-date lang na magsyota ang peg.

"Ayaw pa rin ba niyang aminin na may anak na siya sa ibang babae, Mama Ogs?"

Dagdag pa ng aming source, "Malapit na ring manganak yung isa pang girl na nabuntis niya." 

Huh? Totoo ba to? Kalokah naman if this is true.

Well, hindi na ako magko-comment. Mas maganda kung marinig natin mismo sa aktor kung totoo ito bago natin siya husgahan at "sukatin."