• Home
  • Fresh Scoops
  • Rocky Salumbides on marrying Eula Valdes: ‘Uso pa ba yon?’

Rocky Salumbides on marrying Eula Valdes: ‘Uso pa ba yon?’

Rocky Salumbides is happy with the current status of his relationship with Eula Valdes.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/23/2015 8:46 AM
Rocky Salumbides on marrying Eula Valdes: ‘Uso pa ba yon?’


092315-rockyeula.jpgMatatag pa rin hanggang ngayon ang relasyon ng aktres na si Eula Valdes at ng kasintahang model-turned-actor na si Rocky Salumbides. Sa kuwento ni Rocky sa Push.com.ph, they are now on their eighth year.

May balak na ba silang magpakasal ni Eula pagkatapos ma-annuled ng aktres sa ex-husband niya?

“Wala pa, eh,” sagot agad ni Rocky sabay dugtong ng, “Uso pa ba yon? Uso pa ba yon ngayon?

“Hindi pa sila annulled matagal na kami, so bakit ko papasukin yung kasal? Pero sa side na nila yon, bakit ko papakialaman yon,” hirit pa niya.

Eh, what if If ma-annulled na nga, ano ang magiging plano niya?

“Sa ngayon kasi stable yung mga bata. Kung magpapakasal kami, babaguhin na naman ang apilyedo ng mga bata, kaya wag na, di ba?

“Kumbaga, kung ano na yung nandiyan, yan na yon. Wala na akong pride sa relasyon. Ano ba naman yung apilyedo at saka papel? Madaling tanggapin yan at sunugin, pahirap lang yan sa mga nagkakarelasyon, di ba?” katwiran pa ni Rocky.

“Papel lang yon, tapos pag nagkahiwalay kayo, anong mangyayari? Agawan ng gamit dito, papel na naman, ‘di ba? Mas mahalaga yung pagmamahal ninyo sa isa’t isa kesa sa papel. Ano bang maghahawak sa katotohanan, yung papel ba o yung nararamdman mo? Mas importante kung ano yung nararamdaman ninyo, ‘di ba?” pahayag pa niya.

Ano ba ang sikreto kung bakit tumagal ng walong taon ang kanilang relasyon ni Eula?

“Wala lang, lawakan mo lang yung pang-unawa mo,” kaswal niyang pahayag.

“Gawin mo lang kung ano ba talagang gusto mo sa buhay, kung gusto mo pag maglaro, eh, di wag kayong tumagal, maglaro ka nang maglaro. Kung gusto mong sumeryoso, magseryoso ka. Choice mo naman yan, choice naman ng mga tao yan, eh,” dagdag pa ng model-actor.

Pagdating naman daw sa aspeto ng kung sino ang mas malawak ang pasensiya sa kanila ni Eula, ayon kay Rocky, “Ayaw kong ikumpara don kasi babae yon, lalaki ako. Iba ang tolerance niya, iba ang tolerance ko. So, kung saan lang kayo magma-match.”

Samantala, may bagong indie film si Rocky na As One ang title. Kaya pahinga raw muna siya sa modelling ngayon. Istorya daw ito ng mga sundalo at rebelde sa Mindanao.

“Every time kasi na may ginagampanan akong role, nawawala ako don sa modelling side kasi kina-career ko yung role ko, eh. Halimbawa, kailangang maging sundalo, papasukin ko yung mga sundalong character para pagdating sa set, konti na lang yung gagawin ko.

“Eh, pag nagkasabay yung modelling at pelikula, minsan nawawala ako. Kaya namimili na lang ako, kung kailangan ng preparasyon for the role, stop muna ang modelling, pero kung medyo light lang naman ang role, minsan pinagsasabay ko rin,” sey pa niya.

Magkasama sina Rocky at Eula Valdes sa morning series na Princess In The Palace na pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon.

Main photo credit to eulavaldes IG