• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda says they prepared a grand opening number on ‘It’s Showtime’ Kapamilya Day

JaDine, KathNiel, LizQuen and KimXi will perform for ‘It’s Showtime’ 6th Anniversary Concert

Vice Ganda says they prepared a grand opening number on ‘It’s Showtime’ Kapamilya Day

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/23/2015 08:43 AM
JaDine, KathNiel, LizQuen and KimXi will perform for ‘It’s Showtime’ 6th Anniversary Concert
092315-KAPAMILYADAY.jpgSa ulat mula sa Bandila ni MJ Felipe, nagpakitang gilas ang It’s Showtime hosts sa Shine Kapamilya Trade Launch event ng ABS-CBN.

Tampok rin sa trade launch ang mga bagong shows sa Kapamilya network. Kasama rito ang Be My Lady nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, And I love You So nina Julia Barretto at Inigo Pascual, Tubig at Langis nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo, You’re My Home nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Nagsama rin sa isang production number sina JC De Vera at Jessy Mendiola. Hindi man nagpa-interview si Jessy, nilinaw naman nito na hindi pa sila hiwalay ni JM De Guzman.

Nagpakilig naman sina Nadine Lustre at James Reid as Leah at Clark, pati na rin sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion as Amor and Eduardo.

Nasasabik din ang lahat sa It’s Showtime Kapamilya Day: 6th Anniversary Kick Off na gaganapin sa Sabado, September 26, sa the Big Dome. Ayon kay Vice Ganda kaabang-abang ang mga ganap lalo na ang opening production number. Makakasama rin ang mga sikat na love teams na JaDine, KathNiel, LizQuen at KimXi.