• Home
  • Fresh Scoops
  • What do Vice, Karylle, Vhong, Anne and the rest of the hosts have in store for the "It's Showtime" anniversary?

"It's Showtime" hosts gear up for 6th anniversary show

What do Vice, Karylle, Vhong, Anne and the rest of the hosts have in store for the "It's Showtime" anniversary?

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/23/2015 08:52 AM
"It's Showtime" hosts gear up for 6th anniversary show
092315-showtimehost.jpgKanya kanyang preparations na ang hsost ng noontime show na "It's Showtime" para sa paparating na kick off ng sixth anniversary ng show sa Sabado.

Si Vhong Navarro nagsabing pasabog ang production numbers na mapapanood ng fans.

"Ngayon naghahanda kami kung ano mga pasabog ang ihahanda ng hosts para sa araneta kasi parang ito ang labas ulit eh after ng grand finals ng Showtime," sabi ng komedyante.

Si Vice Ganda, luminya na kakabugin ng kanilang show ang ABS-CBN christmas special sa dami ng artista na makakasama nila.

"Maya't may na brainstorming para sa concept ng prod numbers na gagawin sa Sabado kasi siyempre big event sabi nga namin sobrang laki nito para ng ABS-CBN christmas special, parang ganun!"

May bagong gimik at pakulo na aabangan within the show na ikagugulat maski ng hosts ng palabas ang sabi ni Karylle.

"Ay exciting meron na naman kami pa contest alam mo naman dito sa 'Showtime' kapag anniversary lagi pasabog ang Magpasikat so mayroon kaming contest among the hosts so kung anong contest yun abangan niyo," sabi ng singer.

Si Anne Curtis, di makapaniwala na anim na taon na ang "It's Showtime" at ito pa lang daw ang simula ng kanilang celebration.

"It's definitely to kick off the anniversary of 'Showtime,' we can't believe that it's already six years so you can expect na next level up na ang performance namin lahat."

Magaganap ang live sixth anniversary show ng "It's Showtime" ngayong Sabado September 26 sa Araneta Coliseum.