• Home
  • Fresh Scoops
  • Eddie Garcia says he’ll keep working while there are still roles for him.

Eddie Garcia shares secret to staying strong in showbiz

Eddie Garcia says he’ll keep working while there are still roles for him.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/22/2015 08:46 AM
Eddie Garcia shares secret to staying strong in showbiz
092215-eddie_main.jpgPagkatapos ng ilang teleserye ng award-winning actor and director na si Eddie Garcia sa ABS-CBN ay busy naman ngayon ang aktor sa paggawa ng pelikula. Kasama si Tito Eddie sa pelikulang Tomodachi ng Global Japan Productions na pinagbibidahan ni Jacky Woo at Bela Padilla.

Wala ba siyang balak mag-retire sa pag-arte?

“Kaya pa naman, eh... kaya ko pa,” natatawa pahayag ng veteran actor.

“Naghihintay pa nga ako ng mga darating na projects. Hanggang kaya pa ng katawan ko, magtatrabaho pa ako,” sabi ulit ni Tito Eddie.

“Para sa akin kasi, ang pag-aartista is trabaho lang. Kung ano ang dumating na project, sunggaban mo. At saka, hangga’t kailangan pa ako ng industriya at may role pa para sa akin, mag-aartista pa rin ako,” katwiran pa niya.

Ayon pa sa kuwento ni Tito Eddie, 1949 siya nagsimulang umarte, pero meron pa rin naman daw mas nauna sa kanya na hanggang ngayon ay umaarte pa rin like Anita Linda.

Ibinahagi rin ni Direk Eddie ang sikreto kung bakit hanggang ngayon ay nananatili siya sa showbiz.

“Simple lang naman yan. Kung ano yung project na ibinigay sa yo, pagbutihin mo. Yon ang magiging best recommendation for the next project,” pahayag pa niya.

Si Joel Lamangan na isa ring award-winning director ang director ni Tito Eddie sa Tomodachi. Mahirap ba na maidirek ng kapwa niya director sa pelikula?

“Well, I’ve been working with Joel for a long time. Marami kaming nagawang project niya, eh. Sa akin, pagka siya ang director, dapat sundin mo siya, igalang mo.

“Hindi ako nakikialam, hindi rin ako nagsa-suggest, actor lang talaga ako. Kinuha naman ako ng producer sa pelikula para umarte at hindi para magdirek kaya hindi ako nakikialam,” deklara niya.