• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin says ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ is dedicated to police officers.

Coco Martin shares how he got the role in ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Coco Martin says ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ is dedicated to police officers.

BY
Kristhoff Cagape

FRESH SCOOPS

09/23/2015 06:08 AM
Coco Martin shares how he got the role in ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
092215-cocomartin_main.jpgCoco Martin is set to star in the upcoming primetime soap FPJ’s Ang Probinsiyano. In an interview during the grand press conference of the show, the actor shared how he landed the role in the soap and why the said movie of Fernando Poe Jr. was chosen to be turned into a teleserye.

Kasi po nong kinausap po kami ni Ma’am Charo (Santos-Concio) at sinabi po kasi niya ‘Bigyan natin ng halaga at ng panahon ang ating mga kapulisan naman na maibalik ang pagmamahal at respeto.’ At nong nag-iisip po kami ano kaya ang magandang kwento ng kapulisan na bago nating maiihain sa ating mga manonood, isip po kami ng isip kung ano po, tapos bigla na lang po na may pumasok sa isip ko na bakit kaya hindi natin gawin ang isa sa mga pelikula ni FPJ,” he shared.

He relayed that he is a fan of Fernado Poe Jr.’s film himself. “Sabi ko ‘Bakit hindi natin gawin ‘yung Ang Probinsiyano?’ Kasi bata pa po ako at ‘yung lola ko, wala na kaming ginawa kundi manood ng mga pelikula ni FPJ at tsaka ni Nora Aunor. Tapos ‘yun nga po nong sinabi ko sa kanila pinanood po nila at nang makita nila ang kwento na interesting, na napakadali niyang gawin bilang soap opera, don na po nagsimula ‘yung collaboration namin.”

The actor shared that they needed to first seek the approval of FPJ’s widow Susan Roces before turning it into a soap opera. He also relayed that he was supposed to do a different project before it was decided that he would star in FPJ’s Ang Probinsyano. “Pero ‘yung worry po namin non kailangan po naming ipaalam kay tita Susan kung papayag po sana siya and then bago pa kasi mangyari ‘yun may iba na po kasi kaming soap opera na nakabuo para sa akin pero mas pinili po ni ma’am Charo na bigyang halaga ‘yung mga kapulisan natin kaya ito po ‘yung proyektong natuloy sa akin.

With the pressure of starring in such a big project, Coco said that he is very proud to be the show’s lead star. “Para sa akin po napakalaki ng proyektong ito, kumbaga parang napakalaking nakapasan sa balikat ko. Pero sa kabila po non napa-proud po ako ng sobra-sobra dahil una ‘yung [may] values po na maiibigay namin sa manonood plus ‘yung quality [ng soap]. And bilang pagpapasalamat namin sa suporta sa mga ginagawa nila sa amin bilang mga artista, ito po ‘yung handog namin sa kanila,” he said.