Liberated na GF, nabuntis ng singer-actor

BY
Miss Lyka

FRESH SCOOPS

09/22/2015 06:03 AM
Liberated na GF,  nabuntis ng singer-actor
092215-PREGGY_main.jpgNakabuntis ang singer-actor at ilang buwan mula ngayon ay manganganak na ang girlfriend  niya. Na-anticipate na ng madir ng singer-actor na magiging “batang ama” ang anak dahil ang babae ang madalas na nakapulupot dito.

Madalas din daw na ang girl pa ang natutulog sa kanilang bahay para makasama ang singer-actor. Eh, what do you expect kapag ganu’n na ang senaryo?  Siyempre, alam mo na. Hanggang nabuntis na nga niya si babae.

Ang nakakaloka, hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakausap ng madir ng singer-actor ang babae. Hindi raw kasi niya type ang pagiging masydong “liberated” nito. 

Comment pa nga niya, hindi raw ba hinahanap ng parents yung GF ng anak niya kapag hindi ito umuuwi sa bahay nila? Kasi, siya raw, kahit lalaki ang anak niya, hinahanap niya ito lalo na kung hatinggabi na at wala pa rin sa bahay.

Samantala, wala nang nagawa ang butihing ina nang ipagtapat sa kanya ng anak na singer-actor na “nadisgrasya” niya ang girlfriend. Alangan naman daw sabihan niya ang anak na ipalaglag ang bata. Mas malaking kasalanan daw ‘yon. Wala rin daw magaganap na kasalan kasi busy ang singer-actor sa career niya at hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya ngayon sa girlfriend.

Aray ko!

No more clue. Ha-ha-ha!