Si Kim ang pinakabata among other actresses na bida rin sa pelikula like Iza Calzado, Cheena Crab, Claudine Barretto and Kris Aquino. Ayon sa kuwento ni Kim, pinag-isipan muna niyang mabuti at binasa ang script bago niya tinanggap ang project dahil natatakot siya sa magiging reaksyon sa kanya ng tao.
Kinausap din daw siya ni Kris at ipinaliwanag ang mga bagay-bagay tungkol sa pelikulang gagawin hanggang napapayag na rin siya to do the movie.
“Naisip ko, it’s time for me to mature, hindi na ako dapat pabebe na patawa, pa-jologs. Kailangan mo rin gumawa ng isang proyektong magsasabi na actress ako at woman na ako,” paliwanag niya.
“So, sa movie na ‘to, yon ang nasabi ko, ‘ay, woman na pala ako,” dagdag pa ni Kim.
Ginagampanan ni Kim ang role ng isang ilusyonadang probinsiyanang singer sa Etiquette for Mistresses. Habang nagsusyuting, mas hinangaan daw niya ang mga entertainers.
“Habang sinu-shoot namin ‘yung eksenang kumakanta ako sa lounge, tumaas ang respeto ko sa mga entertainer. Kasi parang ang hirap pala ng ginagawa nila.
“Kasi kung minsan, nabobosohan sila, hinahawakan sila, eh wala silang magawa kasi nagta¬trabaho sila. So, sabi ko ‘oh, my God, ganito pala kahirap.’ Kasi may mga eksenang hinihipuan sila. Oh my God, ang hirap kumita ng pera! ‘Yung literal, ang hirap pala.
“So after nu’n, tumaas ang respeto ko sa mga entertainers and performers,” sabi pa ni Kim.
Kinailangan din daw niyang mag-adjust sa acting -- from teleserye to movie – at medyo nahirapan daw siya dito.
“Yong teleserye acting ko ayaw ni Direk,” natatawa niyang kuwento.
“Nagda-drama lang kasi ako sa soap opera, eh. Paano ba ‘yung pelikulang drama? So medyo mahirap kasi may tamang paghinga, ganyan. So, at least natutunan ko kung paano ang movie drama,” pagtatapos ni Kim.