• Home
  • Fresh Scoops
  • The couple admits their daughter Amarah changed their lives.

Cristine Reyes talks about her love journey with Ali Khatibi

The couple admits their daughter Amarah changed their lives.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/22/2015 06:06 AM
Cristine Reyes talks about her love journey with Ali Khatibi

Ayon kay Cristine, magkaibigan na sila ng Mix Martial Arts fighter na si Ali nang main-love siya dito. Pareho silang single noon at hindi nagtagal nagkaroon sila ng relasyon. Napadalas rin ang mga bakasyon nila sa ibang bansa. “The time we’re together anything goes,” ayon kay Cristine. 



Kwento ni Cristine masaya noong mag-sky diving sila sa Dubai. At memorable din ang bakasyon nila sa Japan. Buntis na rin daw si Cristine noong nasa Japan sila. 

Wala rin silang plano na itago ang pagbubuntis ni Cristine. Pero ang nangyari daw ay, “naunahan kami ng balita.” 

Nang pwede na nilang malaman ang gender ng baby, kinausap ni Cristine at Ali ang doctor na wag itong sabihin sa kanila. Inilagay ng doctor ang gender ng baby sa isang envelope at “diniretso namin sa isang tao lang.”

Ang pinagbigyan nila ng envelope ang naatasan na magbake ng cake. Sa isang event, sabay ni Ali at Cristine hiniwa ang cake at doon nila nalaman na isang baby girl ang bunga ng pagmamahalan nila. 

Hindi naging madali ang pregnancy ni Cristine. Two weeks siyang naka-bed rest sa ospital bago siya manganak.  Kwento pa niya, “Noong birthday ko 24 hours akong nasa delivery room yun pala ‘di pa siya lalabas.” 

Seven months na ngayon si Amarah at buhos sa kanya ang atensyon at pagmamahal ni Cristine at Ali. Kung noon ay pwede maging carefree si Cristine at Ali, ngayon daw ay mas responsable na sila. “Iba na. We have to plan things na.”

Masaya ring ibinalita nina Cristine na ilang buwang matapos ang pinapagawang bahay nila ni Ali ay magpapaksal na sila. 

Masaya nga si Cristine at Ali na nahanap na nila ang isa’t isa. Ani Cristine, “Nakakita ako ng sarili ko sa kanya, yung lalaking version of me.” 

Si Ali naman nagpapasalamat dahil si Cristine, bukod sa mahal niya, ay best friend din niya ito.