• Home
  • Fresh Scoops
  • In an exclusive interview with the actress she admits she is thankful for her new TV and movie projects.

Bela Padilla on her career: ‘This is the happiest I’ve been’

In an exclusive interview with the actress she admits she is thankful for her new TV and movie projects.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/21/2015 06:03 AM
Bela Padilla on her career: ‘This is the happiest I’ve been’
092115-bella_main.jpgSunud-sunod ang press conferences ni Bela Padilla. This week lang, tatlo ang dinaluhan niya. Ang una ay para sa media announcement ng pelikulang Tomodachi na pagbibidahan ng Japanese actor na si Jacky Woo under the direction of  Joel Lamangan.

May press con din siya para sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN, which will air on September 28 at isa pang presscon for the movie Felix Manalo. Monday-Wednesday-Friday naman siyang nagte-taping for Ang Probinsyano at Tuesday-Thursday-Saturday naman nagsusyuting for Tomodachi.

Ayon sa kuwento ni Bela sa Push.com.ph, wala na nga raw halos siyang pahinga. “Every day akong may ginagawa ngayon but this is the happiest I’ve been, kasi siyempre, ito yung gusto natin bilang artista, yon talagang busy tayo at maraming ginagawa.”

Thankful si Bella sa magagandang nangyayari sa kanyang career simula nu’ng lumipat siya ng ABS-CBN nu’ng May, 2015.

“Nagsunud-sunod nga, eh. Actually, yung Felix Manalo, inumpisahan namin ‘yon January, so hindi pa ako nakakalipat sa ABS-CBN non. Yung naging buena mano ko this year ay yung Felix Manalo tapos nagsunud-sunod, so medyo blessed tayo this year,” bulalas pa niya.

Kung meron pa raw ibang projects na io-offer sa kanya ay willing pa rin niyang tanggapin kahit sobrang busy na niya.

“Gusto ko pa nga, eh. Kung meron pa akong gustong gawin, gagawin ko, eh, kung kaya pa ng schedule ko. Ako, I want to take advantage of the time I have. Siyempre, hindi naman tayo forever na bata, hindi  natin forevever na magagawa yung mga eksena na gusto nating gawin.

“’Yung pag press con, tinatanong ka kung anong mga dream role mo, eto na, nagagawa ko na yung mga dream role ko, so nakakatuwa . Parang nagpe-pay-off yung paghihintay ko, yung mabuting pinapakita mo sa mga nakakatrabaho mo, kaya nagwu-work ngayon, ‘di ba?

“Siguro, naa-appreciate nila yon and nakakatuwa. Lahat ng mga nakakatrabaho ko ngayon, ang babait. Tinutulungan ako, kasi nga, yon nga, wala na tayong pahinga, so, mahirap na iba-ibang character yung ginagawa ko, pero lahat tinutulungan ako sa set. So, parang ang ganda ng pinuntahan ko. Ang ganda ng timing ng lahat,” mahabang kuwento ni Bela.

         
Para sa aktres, wish granted daw ang lahat ng nangyayari sa career niya ngayon.

“Honestly, siyempre, ito yung winish ko (TV and movie projects). Ito naman ang gusto ng kahit sinong artista. Ito sana talaga yung gusto kong mangyari pero siyempre, hindi tayo nag-i-expect masyado kasi baka hindi mangyari, nakakasama ng loob.

 “Yung nangyayari ngayon, honestly, hindi masyadong nagsi-sink-in sa akin ang mga bagay-bagay. Parang wala lang din, pero sobrang thankful talaga ako,” nakangiti niyang pahayag.

Nagpasalamat din si Bella  kay Direk Joel na malaki ang tiwala sa kakayahan niya bilang aktres.

“Si Direk Joel ang dahilan kung bakit ako napunta sa Felix Manalo at siya rin ang kumuha sa akin dito sa Tomodachi. Sa tingin niya siguro, bagay ang beauty ko sa mga period movie kaya ikina-cast niya ako. Ha-ha-ha!

“At sana, hindi ko siya ma-disappoint dito sa bago naming pelikula. Sana rin kahit hindi 
period movie, kunin pa rin niya ako. Ha-ha-ha!” pabiro niyang pahayag.