• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap doesn’t mind playing kontrabida roles in the future

Richard Yap doesn’t mind playing kontrabida roles in the future

Richard Yap says he’s open to any role as long as it suits him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/2/2015 1:25 PM
Richard Yap doesn’t mind playing kontrabida roles in the future


090215-richard_main.jpgWala na talagang balak si Richard Yap na baliikan pa ang corporate world. Sobrang nag-i-enjoy na raw siya ngayon sa showbiz na never niyang na-imagine na papasukin niya noon.

Ayon sa tinaguriang Daytime King, hindi na raw niya name-miss ang corporate world. Mas gusto na raw niya ang work sa showbiz dahil kontrolado niya ang kanyang oras.

Richard has a new TV assignment. Gagampanan niya ang karakter ni Carlo sa afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Siya rin ang magiging bagong “love interest” ng karakter ni Vina Morales sa serye.

Tanong namin, may mga projects na ba siyang tinanggihan as an actor?

That’s a good question, parang there were project na hindi namin nagawa because of the schedule, pero hindi dahil ayoko.

I will turn down something if I don’t feel that I am fitted to the role, but so far, hindi ko pa naman nagagawa yon,” paliwanag ni Richard.

Paano ba tine-take ng pamilya niya ngayon ang kasikatan niya sa showbiz. Kung dati kasi, accidental actor lang siya, ngayon ay full-time actor na siya at nakakatanggap pa ng award.

“Okey naman sila. Tanggap naman nila ako. Ha-ha-ha,” pabiro niyang pahayag.

I see that this is a business also. I’m the product and I have to sell myself to all consumers,” reaksyon pa niya.

Ayon pa kay Richard, “I’ve learned to accept the fact na acting is also a business, so, I just have to improve myself and make myself more relevant each and everytime na kinukuha nila ako,” he said.

Handa rin daw  si Richard na tumanggap ng ibang roles ngayon.

Actually, I have nothing against doing other characters, like kahit maging kontrabida ako, it doesn’t really matter. As long as maganda yung contribution ng character ko sa show, puwede naman,” pahayag pa niya.

Samantala, umaasa din si Richard na matutuloy ang proyektong pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos who is now pregnant. Malaki na ang ipinayat ni Richard at bahagi raw yon ng paghahanda sana sa gagawin nila ni Judy Ann dahil medyo action daw ito. ‘Yon nga lang, naka-hold muna ang proyekto.