• Home
  • Fresh Scoops
  • Neil Perez open to training candidates for the Misters of the Philippines pageant

Neil Perez open to training candidates for the Misters of the Philippines pageant

Neil Perez is ready to pass on his Misters of the Philippines title to a worthy successor.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/2/2015 11:24 AM
Neil Perez open to training candidates for the Misters of the Philippines pageant


090215-neil_main.jpgIpinakilala na sa media ang tatlumpung kandidato para sa 2015 Misters of the Philippines pageant na naganap sa One Esplanade sa MOA complex sa Pasay. Present ang reigning titleholder na si Neil Perez na handa ng ipasa ang kanyang korona. Pero higit sa pagtatapos ng kanyang reign ay willing si Neil na magbigay ng kanyang oras at nalalaman sa papalit sa kanyang iiwanan na trono.

"Oo naman willing tayo na tulungan at isailalim sa training ang sino man na mananalo ngayong taon. Okay ang batch na ito, mababait sila at willing na matuto para makapagbigay ulit tayo ng karangalan sa bansa natin."

Aminado naman si Neil na mahirap masungkit muli ang korona bilang Mister International dahil nasa atin na ito sa ngayon pero positive lang dapat ang attitude. Nagbigay pa si Neil ng tips sa present batch.

"Dapat updated sila sa news lalo na dito sa bansa natin at paano natin ito gagawin positive para mag marka muli ang Pilipinas sa buong mundo."

Kung pulis ang profession ni Neil na may hawak ng title, kakaiba at makulay ang kuwentong buhay ng mga kandidato para sa 2015 batch dahil mayroong biktima ng bagyong Yolanda; may tindero ng prutas at isda sa palengke; at mayroong OFW mula sa Middle East.

Magaganap ang coronation night ng Misters of the Philippines sa September 13 sa Resorts World Manila.

1  Misters of the Philippines.jpg

2  Misters of the Philippines.jpg

3  Misters of the Philippines.jpg

4  Misters of the Philippines.jpg