• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda confirms James Reid and Nadine Lustre to join "Beauty and the Bestie"

Vice Ganda confirms James Reid and Nadine Lustre to join "Beauty and the Bestie"

Kinumpirma ni Vice Ganda na pasok na rin sa kanilang cast ang JaDine tandem.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/20/2015 12:36 AM
Vice Ganda confirms James Reid and Nadine Lustre to join


091915-vicejadine_push.jpgKinumpirma ni Vice Ganda na mas magiging masaya ang kanilang Metro Manila Film Festival movie ni Coco Martin na Beauty and the Bestie dahil pasok na rin sa kanilang cast ang kinakikiligang JaDine tandem. Ayon kay Vice, hindi pa nakakapag shooting ang dalawa pero nakapag one day shoot na sila ni Coco para sa pelikula.

"Nakapag shoot na kami noong August tapos pinalipas muna ang ghost month ngayon mag shooting na kami ulit," pahayag ni Vice.

Nagkuwento rin si Vice kung ano ang magiging papel nina James Reid at Nadine Lustre sa proyekto.

"Bale pamangkin niya si Nadine ako naman kapatid ko si James nakakatuwa ang mga eksena nabasa ko ang script mas mag eenjoy sila," kwento pa niya. 

Laging sinasabi ni Vice sa kanyang interviews na target nila ni Coco na ito ang maging pinaka entertaining movie na gagawin nila. Malapit na magkaibigan sina Coco at Vice kaya itotodo nila ang unang movie na silang dalawa ang bida.