• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo: ‘Pakiramdam ko nasa transition stage ako e’

Sarah Geronimo: ‘Pakiramdam ko nasa transition stage ako e’

Sarah Geronimo says she’s transitioning and she wants to start over.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/19/2015 1:19 PM
Sarah Geronimo: ‘Pakiramdam ko nasa transition stage ako e’


091915-sarahgeronimo_push.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para TV Patrol, sinabi ni Sarah Geronimo na nasa stage siya ngayon kung saan mas kinikilala pa niya ang kanyang sarili. Ani Sarah, “Pakiramdam ko nasa transition stage ako e. Kinikilala ko kung ano ba talaga ang identity ko, ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko.” 

Kabilang na rito ang pagkilatis niya sa mga projects na gagawin niya. “Ano ba ang contribution na maibibigay mo sa industriya? Ayoko kasi na gagawa ako ng proyekto just for the sake of money. Gusto ko yun ang istorya na gusto kong simulan. Gumawa ako ng mga proyekto na makabuluhan.”

Isang hallmark ng pagbabagong ito ang upcoming concert ni Sarah na From the Top. “From the top gusto ko pong magsimulang muli. From now on makagawa ako ng mga kanta…”

Sa tagal ni Sarah sa industriya, hindi na rin diumano mawawala ang mga bashers niya. Kailan lang maraming tumuligsa sa kanya dahil sa hindi nakasama ang mga kid artists ng Team Sarah sa finals ng The Voice Kids of the Philippines Season 2. “Nakaka-experience rin ako ng maraming-maraming pagkatalo, maraming-maraming rejections, panglalait. Until now binabash pa rin ako ng mga tao.” 

Ganunpaman, positibop pa rin ang advice ni Sarah sa mga kid artists niya. “Sinasabi ko sa mga bata na dapat hindi ka tumitigil sa pangangarap. I constantly remind them how blessed they are.” 

Kikilalanin si Sarah ngayong Linggo, September 20, ng FAMAS o The Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards bilang Iconic Movie Queens of Philippine Cinema. Si Sarah ang pinakabatang recipient ng award na ito. Ang iba pang tumanggap ng award na ito ay sina Susan Roces, Gloria Romero at Nora Aunor.